Chapter 66: Love is all that matters

4K 92 6
                                    

Annyeong guys? Miss me? Hihi. Uy uy can I ask you po a simple favor? Pwede nyo ba akong ipag-edit ng photos ng mga characters nitong story para yun ang ipopost kong picture in every update? Nauubusan na kasi ako ng pictures eh. Nitatamad naman akong mag-edit kasi wala talaga akong talent pagdating sa ganun. Haist. I'll really appreciate po if you'll help me. And in exchange I'll dedicate a chapter of this story for you. Ayos ba? Hehe =)

Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^

Chapter 66: Love is all that matters

ASHLEY’S POV

 

“Nagulat ka ba?” I asked him while we were alone here in the garden of the hospital.

He gazed at me with a look of disbelief in his eyes.

“Matagal mo na bang alam?”

Pinilit kong ngumiti sa harapan niya at saka ako umiling.

“Hindi. Nito ko lang din yun nalaman. Pagkadating ko dito sa U.S.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“How do you think will I be able to tell that you? ‘Hey, Sean! I heard ex ka daw ng Ate ko.’ Ganun ba? Ganun ko ba dapat sabihin yun sa’yo?”

“Ashley...”

Pakiramdam ko any moment from now handa nang pumatak ang mga taksil kong luha kaya pinili ko na lang tumalikod kay Sean upang hindi niya ito makita.

“Sean... mahal ka pa rin ni Ate.”

“Iyon ba ang dahilan? Iyon ba ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sa akin? Dahil sa Ate mo?”

Muli akong umiling. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ko ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko.

“Hindi. Hindi dahil kay Ate, Sean. Dahil sa’yo. Ikaw... ikaw ang dahilan ko.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Inisip ko kasi paano kung gaya ni Ate ay mahal mo pa rin siya? Paano kapag nagkita na kayong muli? Paano na ako? Paano na ako kapag iniwan mo na ako? Hindi ko kaya, Sean. Hindi ko kakayanin yun.”

“Kaya pinili mo na lang na ikaw ang unang mang-iwan sa akin? Ganun ba yun? Huh? Ashley?”

Hindi ako makasagot sa kanya. I just remained silent. I know. I am guilty.

“Ganun lang ba talaga ang tingin mo sa ‘kin? Ganun lang ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa’yo?”

This time hindi ko na napigilan pang talaga ang pagpatak ng aking mga luha. Nakatalikod pa rin ako kay Sean habang iyak nang iyak.

“I’m sorry, Sean. I’m sorry. Sorry kung naduwag ako. Sorry kung hindi ko pinagkatiwalaan ang pag-ibig mo. Natakot lang talaga ako. I’m sorry. I’m sorry kung sinaktan kita. Sean, I’m sor---”

Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran.

“S-sean...”

“Tama na. Tama na, please. Ayoko nang marinig pa ang mga sorry mo. Ayoko nang marinig kang umiiyak. Can’t we... can’t we just start all over again?”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“S-sean...”

Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin pero ayaw niyang bumitaw. He’s hugging me tightly that I could already feel his heart pounding.

“Mahal kita. That’s all that matters to me now. Ikaw lang... ikaw lang ang gusto kong makasama sa buhay ko. Wala na akong pakialam pa sa ibang bagay. Ashley... come back to me. Please? I need you. I need you in my life. I love you so much.”

“Sean... Why? Why do you love me so much? What did I ever do for you to love me this way? I am not worthy of your love. I am not worthy, Sean. Nasaktan na kita. Hindi ba dapat magalit ka sa ‘kin. Sean, bakit? Bakit mo ako sobrang mahal?” While saying these, I was crying so hard. Hindi ko na talaga mapigilan pa.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at saka niya ako hinarap sa kanya. He looked intently into my eyes.

“Lagi kong sinasabi sa sarili ko at maging sa ibang tao ‘Si Ashley lang ang mahal ko. Wala ng iba.’ Iyon. Iyon ang dahilan ko sa tanong mo kung bakit kita mahal. Mahal kita dahil ikaw si Ashley.”

“Pero Sean---”

“Ssshhh.” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko becaused he placed his finger on my lips to prevent me from speaking. Muli niya akong niyakap. “Wala ng pero-pero, pwede ba? Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Ano bang mahirap intindihin sa mga salitang iyon?” He suddenly paused before speaking again. “May isang bagay lang akong gustong itanong sa’yo, Ashley.”

“A-ano yun?”

“Ikaw... mahal mo pa rin naman ako, hindi ba?”

Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang isasagot ko sa tanong niya.

Niyakap ko siya pabalik nang sobrang higpit din at saka ako nagsalita.

“Mahal kita. Mahal na mahal na mahal. Mahal na kita noon pero mas sobra pa ngayon. Siguro napagdudahan ko ang pagmamahal mo para sa akin. Pero sobra sobrang pinagsisisihan ko na yun. Dahil dun saglit tayong nagkahiwalay. Parehas tayong nasaktan. Pero kung may isang bagay man na ipinagpapasalamat ako sa nangyari ay yun yung napatunayan ko kung gano mo ako kamahal at mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko para sa’yo.”

“Iyon lang naman ang gusto kong marinig eh. Ang sabihin mong mahal mo ako. Salamat, Ashley. Salamat, Mahal ko. Wag na tayong maghihiwalay ulit ha.” Bumitaw siya sa pagkakayakap naming dalawa. He offered me his pinky finger while saying, “Promise?”

Natawa naman ako sa ginawa niya. Haha! Parang bata si Sean. Pero nakiayon na lang din ako sa kanya.

“Promise.”

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon