Chapter 27: Hot Issue

8.6K 123 15
                                    

Ayan! Updated na finally! Sorry kung natagalan ang update. Naging busy po kasi ako sa finals. And hindi rin ako makakonek sa Wattpad these past few days. Sorry po talaga! Anyways, thank you po sa mga masugid na naghintay para sa update ko. Eto na po!

Enjoy reading! Hope you'll like it!

VOTE. COMMENT. BECOME A FAN.

^_____^


Chapter 27: Hot Issue


Ashley's POV


Goooood morning!


^_____^


I'm so happy! Wanna know why?


Ansaya ko lang ngaun kasi feeling ko okay na ang lahat. 2 weeks na ang nakalipas mula nung nangyari ung confrontation between Sean, JD and me. After nun nagdecide kami ni Sean na kalimutan na lang ang nangyari. Pinatawad ko na sya at sinabi ko rin sa kanya na dapat patawarin na rin nia ang sarili nia. Nagi-guilty daw kasi sya sa nagawa nia sakin eh. Akalain mo un? Marunong din pala syang maguilty? LOL.


Anyways, ayun nga, friends na ulit kami ni Sean! At friend na rin sya ng mga GIRL friends ko. Okay na sya kina Bea, Caroline at Denise. Kaso sa mga guys, hindi pa. Si Sai at Jeremy, ewan ko ba kung bakit pero parang sobrang init talaga ng dugo nila kay Sean. Pero civil naman sila. Hindi naman sila ung tipong gumagawa ng eksena sa public. Madalas ngang kasama ng barkada namin si Sean eh. Pero kahit ganun, ramdam mo ung tension between the guys, lalo na between Sai and Sean. Alam ko hindi lang ako ang nakakapansin nito kasi ganito rin daw ang opinyon nila Bea. Hmm... Bakit nga kaya sila ganun?


Anyways, ayoko na lang munang isipin un. Problema na nila un at as much as possible, ayokong problemahin ang problema ng ibang tao. Nakakastress kasi! Haha! Dapat smile lang ng smile to attract good vibes.


^_____^


"Ansaya mo yata ngaun ah?"


"Ah...hehe... sobrang obvious ba?"


"Ay hindeee! Kaninang-kanina ko pa lang naman napapansin na abot hanggang langit yang ngiti mo. Pano naman magiging obvious un?"


Haha! Itong si Sai marunong na rin mamilosopo eh! Anu ba yaaan?


Anyways, andito na nga pala kami ngaun ni Sai sa school. Kadarating pa lang namin at paakyat na kami ng high school building. Pero bago pa kami makaakyat nakita namin na ang daming estudyanteng nagkumpulan dun sa may ground floor. Parang dun un sa may bulletin board ah. Hmm anu kayang tinitignan nila dun? Siguro may important announcement ang principal na nakalagay dun...


"Sai tara maki-usyoso dun!" sabi ko kay Sai at agad ko na syang hinila papunta dun sa mga estudyanteng nagkumpulan sa harap ng bulletin board.


Nung papalapit pa lang kami sa may bulletin, napansin kami ng ilang students na nandun at tila nagcause iyon ng mga bulungan. Hindi ko naman maintindihan ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano bang pinagbubulungan nila.


Nung malapit na talaga kami sa kanila, bigla namang tumahimik ang paligid. Huh?! What the hell is happening here? Ano bang nakalagay dun sa bulletin board at ganun na lamang ang reaksyon ng mga estudyanteng ito?


"Ah miss excuse lang, a-anong meron? Bakit andaming students ngaun dito? May nakapost bang kung anuman sa bulletin board?"


Hindi ako sinagot nung girl na tinanong ko. Sa halip nagkatinginan na lang sila nung mga kasama niya.

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon