Chapter 6: First day of school...My last day on earth??? Part 1

12.7K 251 13
                                    

<----------VOTE. PLEEEEEAAASSSEEE...

Dedicated ito kay CampusLeaf at kay AteMimi kasi natutuwa ako sa kanilang dalawa. haha!

Natuwa at natawa ako sa comment ni CampusLeaf dun sa last chapter. Sabi nia "SILENT READERS MAG LABASAN NA KYO! tss walang konsiderasyon sa nag sususlat." hahaha! Alam niu may point sya dun sa sinabi nia. Grabe! Lampas 1,000 reads na itong story ko pero wala naman masyadong nagvovote at nagcocomment. Mga SILENT READERS magparamdam naman kau. haha!

Natutuwa din ako kay AteMimi kasi sabi nia sa comment nia sa last chapter, love na daw nia ang story na ito. Tapos sabi pa nia, mukha daw interesting ito. At nagwallpost pa sya sa profile ko para hilingin na mag-update ako. Oh di ba...kapag ganyan ang isang reader, talagang gaganahan ang writer na magsulat. haha!

Maiksi lang po ang chapter na ito kasi ang totoo wala naman akong balak mag-update ngayon. Pero nag-update pa rin ako kasi naisip ko, pasukan na namin bukas. Kung hindi ako maga-update ngayon, kelan pa?? haha! XD

VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. PLEASE.

ENJOY READING. HOPE YOU'LL LIKE IT. ^___^

Chapter 6: First day of school...My last day on earth???

Part 1

Start na ng classes today. Ayoko pa talagang pumasok. Kung dati ang dahilan kaya ayoko pang pumasok ay dahil tinatamad ako, ngayon iba na ang reason ko.

I don't wanna die yet. Huhu T_T I'm only 16. Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong hindi nagagawa. Hindi pa ako nakakagraduate sa highschool. Hindi ko pa naeexperience maging college student. Hindi ko pa nalilibot ang buong mundo. Hindi ko pa namimeet si Mario Maurer. Ano pa ba? Hmmm... Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Hindi ko pa naaamin sa taong mahal ko na mahal ko sya. HINDI PA NAGIGING KAMI NI SAI. waaaaah! Huhuhu TT___TT

.
.
.

Teka nga lang... Andrama ko naman masyado. Ano ba tong pinagsasasabi ko? Bakit ba kung makapagsalita ako, parang judgement day na bukas? End of the world na ba?

Eeeeeh... Kasi naman... I don't wanna die yet. Alam niu ba buong gabi akong di nakatulog after ko makachat ung si Mr. Annoying/Sean Dylan Villanueva. Hello? Ikaw ba naman ang makatanggap ng death threat, tingnan ko lang kung makatulog ka pa ng mahimbing.

Pero death threat nga ba un? Sinabihan nia lang naman ako ng "be ready for my revenge". Isa na ba ung pagbabanta sa buhay ko? Haaay...ewan! Basta ang alam ko dapat akong mag-ingat sa kanya.

And that's the reason why i don't want to go to school today. Ang totoo nga nian, ayoko na rin lumabas ng bahay eh. Feeling ko kasi once na lumabas ako ng house, bigla na lang may magpapaputok ng baril... and then ayun... I'm dead na. Waaah! Wag naman sanang magkatotoo un. Hala! Ano ba tong mga sinasabi ko? Nababaliw na yata ako. Tsk...

Anyways, gustohin ko man na wag na lang pumasok, hindi naman pwede. Syempre, first day na first day, alangan namang absent agad ako? Edi sira na ang record ko? Alam niu ba since first year high school, never pa akong nag-absent? Huwarang estudyante ako eh. Haha!

So ayun, no choice ako. Kelangan kong pumasok. At dahil hindi pa nakakauwi si Sai, mag-isa lang tuloy ako ngayon papuntang school. Lagi kasi kaming sabay pumasok. Bakit? Kasi po magkapitbahay lang kami kaya ganun, lagi kaming sabay.

Walking distance lang ang layo ng school from our house. Kaya lagi lang kaming naglalakad ni Sai kapag papuntang school at kapag pauwi na. Masaya din kasi maglakad. Exercise din un sa umaga. Hehe ^^

Pero dahil nga hindi ko naman kasabay si Sai ngayon, tinatamad akong maglakad papuntang school. Ayoko ngang maglakad mag-isa. Ano ako loner? Tsk

Sasakay na lang ako ng tricycle. Oo! Tama! Magtri-tricycle na lang ako. Mas safe din un kaysa maglakad ako mag-isa.

Hmmm... Ayoko na palang sumakay ng tricycle. Haha! Magulo ba ako masyado? Eh kasi naman, ang mahal kaya ng pamasahe  sa tricycle. Sayang din ang pera.

Alam ko na! Magpapasundo na lang ako kay Caroline. Lagi naman syang hatid-sundo ng driver nila. Mayaman kasi kaya may driver pa talaga.

.
.
.

Nasa school na kami ngayon ni Caroline. Salamat sa Diyos, nakarating ako sa school na buhay pa rin.

"ASHLEY! CAROLINE!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

bitin much ba??? hehe ^^ part 1 pa lang po ito. please wait  for the next update. hehe ^^ thanks for reading! ^_____^

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon