Chapter 39: Our 24 Hour Date (Part 4: Revelations)

7.7K 130 18
                                    

Yoohoo! Nag-update ulit ako! Hihi :"> Thanks po sa lahat ng nagcomment dun sa last chapter. Nakakatuwa lang kasi mas marami ung nareceive kong comments dun kesa sa usual. Feeling ko tuloy affected much talaga kayo sa nangyari. Nakakatuwa ung mga comments. Haha! Mga galit na galit kay Jude. LOL Hmmm... Sino nga kaya sya?

Dahil Revelations ang title ng part na ito so obviously dito niu malalaman ang kasagutan sa tanong niu. Pero baka dahil sa mga mababasa niu eh mas lalo pa kayong maguluhan. Haha! Chos!

Ung picture sa may right, sila po sina Ashley at Mae. Pagmasdan niu silang mabuti. Magkamukha ba? Haha! Sabi kasi nila Sean at Jude magkahawig daw sila eh. Hehe sino sa tingin niu ang mas maganda? I-comment niu! Hihi :">

Read between the lines, people!

Enjoy reading! Hope you'll like it! 

^_____^


Chapter 39: Our 24 Hour Date (Part 4: Revelations)

 

Ashley’s POV

“SEAN! Tama na!” pigil ko sa kanya ng makita ko na hindi pa sya nakuntento sa ginawa niang pagsuntok kay Jude. Balak pa nia itong suntukin ulit.

Napatingin ako kay Jude na ngaun ay nakahiga na sa lupa at dumudugo ang labi. Sa halip na depensahan nia ang kanyang sarili o kaya naman ay gumanti rin ng suntok kay Sean, napansin ko na ngumisi lang sya. Isang ngisi na hindi ko maintindihan ang nais ipahiwatig.

“Oh bakit galit na galit ka yata dian? Guilty, dude?”

Hindi ko na napigilan pa si Sean. Muli na niang nasuntok si Jude. Natatakot ako. Natatakot ako sa kanya. Ngaun ko lang sya nakitang nagalit ng ganito. To the point na parang kaya na niang pumatay. Bakit ba? Ano ba kasing mga sinasabi nitong si Jude at parang masyado syang affected?

“S-sean... tama na... p-please...” hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napaluha na ako. Hinawakan ko ang kamay nia.

Lumingon sya sakin ng maramdaman nia ang paghawak ko sa kanya. At mukhang nagulat sya nang makita nia akong lumuluha. Kung kanina ay galit na galit ang mukha nia, napalitan naman ito ngaun bigla ng isang worried face.

“A-ashley? Ba’t ka umiiyak? S-sorry. Natakot ba kita? Sorry.”

Binitawan na nia ang pagkakahawak sa kwelyo ni Jude. Hinarap na nia ako ng tuluyan. Hinawakan ng isa niang kamay ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang thumb.

“Sorry.”

Umiling-iling lang ako.

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon