Chapter 55: Miracles in December

5.8K 106 1
                                    


Merry Christmas! Christmas gift ko dapat talaga 'to para sa inyo. Sorry na-late lang ng isang araw. Haha! Anyways, super duper haba naman ng update na 'to kaya ice na yun! Hihihi :">

Enjoy reading! Hope you'll like it! ^__________^

Chapter 55: Miracles in December

ASHLEY’S POV

 

Gabi na nang makaalis ako sa Orphanage. Ayoko pa nga sanang umalis eh. I know that Tita Dina needs someone right now to comfort her. Pero sabi niya okay na daw siya. At sabi niya mas kailangan daw ako ni Sean ngayon. Hanggang ngayon kapakanan pa rin ni Sean ang mas iniisip niya. Haaay. Ang pagmamahal nga naman ng isang ina.  

Tama. Si Tita Dina nga ang nanay ni Sean na hindi niya pa nakikilala sa buong buhay niya. Si Sean naman ang anak ni Tita Dina na inilayo sa kanya ng tadhana at sobrang tagal niya nang gustong makita at mahagkan. Laking gulat ko talaga nang sinabi sa akin yun ni Tita Dina kanina. Halos hindi ako makapaniwala. Kasi ang tagal-tagal ko nang iniisip na gumawa ng paraan para mahanap ang nanay ni Sean tapos yun pala kilala ko na siya. Ang tagal-tagal ko na ring iniisip kung pano ko ba matutulungan si Tita Dina na mahanap ang anak niya dahil alam ko kung gano siya nangungulila dito. Tapos yun pala, kasa-kasama ko lang siya parati.

Kung mas maaga ko lang sanang nalaman ang katotohanan, edi sana matagal ko na silang napagtagpong dalawa. Pero I believe that everything has its perfect timing. And I also believe na eto na yung pagkakataong iyon. At hindi ko na dapat palampasin pa ito. Magpapasko pa naman. Gusto kong ito ang maging pinakamasayang Pasko na icecelebrate nina Sean at Tita Dina, gayundin si Tito Sonny. I have to make a way para mapag-reunite ko ang family nila. Kung kinakailangan kong mag-ala-Santa Claus ngayong Christmas season, I will, mai-grant ko lang ang mga wishes ng hearts nila.

Balak ko pa sanang dumaan sa bahay nina Sean para alamin kung nandun na ba siya nang biglang magring ang phone ko. Pagkabasang-pagkabasa ko pa lang sa pangalan niya, agad ko na itong sinagot.

“WHERE ARE YOU???”

(Aray ko naman! Is that how you greet your boyfriend over the phone?)

“Boyfriend your face! Kanina pa ko tumatawag sayo, ni hindi mo man lang sinasagot mga calls ko. Is that how you treat your girlfriend na sobrang nag-aalala sayo?!”

(Talaga? Nag-aalala ka sakin?) I can hear him smirking. Tss! That jerk!

“Ay hindeeeeeeeeee! Nag-aalala ako sa sarili ko! Kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako umuuwi kasi hinahanap pa kita. Asan ka na ba kasing lalaki ka?!”

(Inside your heart.)

“What?! Ano bang-” Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko kasi bigla na lang may yumakap sakin from behind. Kilalang-kilala ko ang yakap na ito. Maging yung amoy niya. Maging yung buntong-hininga niya. Kilalang-kilala ko kung sino ang nag-mamay-ari.

“I missed you.”

“Tch! Dapat lang talagang mamiss mo ako. Basta mo na lang ako iniwan kanina eh.” Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon