Chapter 65: Face-off

3.9K 75 4
                                    

Maiksing update muna ulit. Hehe. Inaatake na naman ako ng Writer's Block eh. Ayaw gumana ng brain cells ko. Pasensya na. Yaan nyo na. At least mabilis naman yung update ko dibaaah? Hehehe. :3

Thank you nga pala ng super duper many kay reinammr sa ginawa niyang fanart for In A Relationship With Mr. Annoying. Pinost ko sa gilid guys. Check ninyo. How do you like it? Hihi cute noh? :"> Kayo din kung gusto nyong gumawa ng fanart for the story, gora lungs. I'd really appreciate that. :)

Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^

Chapter 65: Face-off

SEAN’S POV

 

Mae suddenly collapsed and so I rushed her to the nearest hospital. Kanina pa siya nacheck ng doctor. Yung mismong doctor niya ang tumingin sa kanya. Nagulat ako nang malamang regular na pasyente na pala si Mae sa ospital na pinagdalhan ko sa kanya. Ibig sabihin madalas siyang nacoconfine doon. Ang pagkakatanda ko sadyang sakitin na noon pa man si Mae pero bakit parang mas lumala pa yun ngayon? Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sa kanya. The doctor said she’s fine already. She just needs to take some rest. Sadyang mahina lang daw talaga ang katawan ni Mae sa pabago-bagong panahon. Hindi niya kinaya ang malakas na buhos ng ulan kanina. Malamang din daw siguro ay nahirapang huminga si Mae kanina habang nakababad kami sa ulanan dahilan upang atakihin na naman siya ng asthma niya.

Kanina pa walang malay si Mae at hindi gumigising. Kahit na sinabi na ng doctor na ayos na siya, nag-aalala pa rin talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin. Kinuha ko na lang ang phone niya at tinawagan ang pamilya niya. Ang Mama niya ang tinawagan ko at hindi maitatago sa boses niya ang pag-aalala sa anak niya. Nagpapanic na sinabi niya sa ‘kin na papunta na daw sila dito sa ospital.

While waiting for her family to come, nandito lang ako ngayon sa gilid ng kama ni Mae at binabantayan siya. Tinitigan ko nang matagal ang mukha niya. Ang tagal ng panahon mula nung huli kong napagmasdan nang ganito ang mukha niya. Wala namang nagbago sa itsura niya. Ganung-ganun pa rin gaya ng dati. Oo, maganda pa rin.

But I can assure now that one thing has already changed. And that is my feelings towards her. Dati tuwing tinititigan ko ang mukha niya hindi mapigilan ng puso ko na tumibok nang sobrang bilis. Kapag malapit siya sa akin hindi ako mapakali palagi. Pero mas hindi ko kaya pag wala siya sa tabi ko. Sobrang in love nga siguro talaga ako sa kanya noon. Pero lahat ng iyon ay parte na lamang ng nakaraan. Iba na. Ibang-iba na ang nararamdaman ko ngayon for Mae. Or rather wala na akong nararamdaman ngayon for her. To me, now, she’s just some woman that I used to know.

Lahat nang naramdaman ko para sa kanya noon, I admit I can still feel those things now. But to another person. Do I still need to mention her name? Si Ashley lang naman yun eh. Si Ashley lang at wala ng iba. Lahat nang naramdaman ko noon para kay Mae, nararamdaman ko ulit para kay Ashley. Pero mas higit pa. Mas higit pa ng ilang daang beses itong nararamdaman ko para kay Ashley. Kung na-in love man ako kay Mae nun, well now it’s also love that I’m feeling for Ashley. But it is love to a whole new level.

Sa pag-iisip ko kay Ashley hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako all by myself. Pero maya-maya pa naramdaman kong may humawak sa aking mga kamay. Si Mae. Gising na siya.

“D-dylan...”

“Mae, you’re awake. How are you feeling?”

Hindi na niya nasagot pa ang tanong ko because some people came rushing inside the room.

“Maegan, anak! What happened? What happened to you? Kumusta ka na? How are you feeling? Anak, okay ka na ba? Ayos ka lang ba? Tell me. Tell your Mommy. Anak...”

“M-mom... I’m fine... I’m fine now. Don’t panic.”

“Anak, bakit ka ba nandito? Ano bang nangyari sa’yo? Sobra mo kaming pinag-alala lalo na itong Mommy mo.”

“Dad... k-kasi po...”

“Nasan si Ate?! Ate!”

I heard a familiar voice. Agad akong napatingin sa babaeng kakapasok lang ng kwarto. Kasunod niya ay isang matangkad na lalake. Natigilan ako. Nagulat. Hindi alam kung anong nangyayari. Hindi alam kung bakit siya narito. Hindi alam kung paano magrereact.

Lumingon ako kay Mae. Napatingin din siya sa akin. Muli akong lumingon sa babaeng kadarating lang. Hindi niya siguro ako napansin kanina pero ngayon ay unti-unti niyang nilipat ang tingin niya sa ‘kin.

“S-sean...?”

Hindi pa rin ako makapagsalita. B-bakit? Bakit siya narito? Bakit Ate ang tawag niya kay Mae?

“Ashley, anak, kilala mo ba siya?... Hijo, nakalimutan ko palang magpasalamat sa ‘yo sa pagdala mo dito sa ospital sa anak kong si Maegan. Ano nga ulit pangalan mo, hijo?” Mae’s Mom asked me.

“S-sean po. Sean Dylan Villanueva.”

“Siguro kaibigan ka ng anak kong si Maegan. Ikinagagalak kitang makilala, hijo. Pero teka... kilala mo rin ba ang bunso naming anak na si Ashley? Magkakilala din ba kayo?”

“D-dad...” sabay na sabi ni Mae at Ashley habang ako naman ay gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari.

Hindi ako makapaniwala. Totoo ba itong nangyayari ngayon? Si Ashley at Mae ay... magkapatid?

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon