Eyes That See The Best In Me

278K 4.7K 202
                                    

TATLUMPO'T ISA

 

"Savannah. Matagal ka pa ba?" I sighed. Pang apat na beses na akong kinatok ng kapatid ko pero hindi pa rin ako lumalabas sa banyo. Binuksan ko ang pinto at tinitigan ako ni Sabina.

 

 

 

"Do I really have to go? Dito na lang ako." I told her. Pinanlakihan lang niya ako ng mata bago niya inayos ang buhok ko. I stared at her. Kambal kami ni Sabina pero halata mo ang malaking pagkakaiba naming dalawa.

 

 

 

"Savannah, birthday party lang yun. Walang mangangagat sayo dun. Isa pa, andoon naman ako. Asa kang pababayaan kitang mag isa mamaya." She teased me bago ako hinila paharap sa salamin.

 

 

 

"Maganda ka, maniwala ka sa akin. magkamukha tayo kaya dapat maganda ka kasi maganda ako." I smiled then shook my head. Ibang klase talaga ang Ate ko. Kinuha na niya ang kamay ko at hinila na kami palabas. Bago kami bumaba ng hagdan ay sinalubong muna kami ni Mommy at kinuhanan ng picture. We are both wearing the same cocktail dress, pink nga lang ang kay Sabina at blue sa akin. Another difference is I am wearing glasses and I am EXTREMELY shy, pero si Sabina, hindi. We both have the same hazel brown hair, pero kulot ang sa akin at tuwid sa kanya.

 

 

 

Sabina is my bestfriend. I wouldn't survive the fourteen years of my life without her. siya ang tagapagtanggol ko sa mga nambubully sa akin. She is fierce, brave and really pretty. She is everything I will never be. And she loves me. sabi niya, hindi lang kami normal na magkapatid. Kambal kami. we share everything, at dahil siya ang mas matanda, she is willing to sacrifice what little she has for me.

 

 

 

It is Mr. Alfonso Montreal's birthday tonight at invited kami. Kaibigan siya ni Daddy at kalaban sa golf. Ang sabi ni Mommy, dinner party daw iyon kaya inayusan talaga niya kaming dalawa.

 

 

 

Nang makarating kami sa venue, napanganga ako. Nasa isa kamg pavilion at naharap ito sa sunrise. Salamin ang pader kaya nagrereflect ang kulay ng araw at ng dagat.

 

 

 

"Ano ba naman yang suot mo Alexander?!" narinig kong sita ng isang babae. Nilingon ko ang pinapagalitan niya at literal akong nawalan ng hininga. Ganito ba yung nangyayari sa mga bidang babae kapag nakikita nila sa unang pagkakataon ang bidang lalaki? Nanlalamig ba talaga ang kamay nila at hindi sila makahinga? Pakiramdam ba talaga nila nakalunok sila ng malaking bato at mahirap ng kumuha ng oxygen?

 

 

 

"Wala naman masama sa suot ko Ma. Atleast hindi ako lumabas na naka briefs lang." maangas niyang sagot bago niya inayos ang t-shirt niya. Bumaba ang tingin ko sa pantalon niyang kupas at puro punit. May tawag diyan eh. Ano kasi yun.. hmmn.. ripped..RIPPED JEANS!

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now