Everything Has Changed

316K 5.8K 1.3K
                                    

LABING LIMA

 

 

 

 

"Sabina?" ngumiti ang kapatid ko sa akin saka ako hinila papasok sa bahay. Ako naman ay hindi na mapigilan ang kaba na namamayani sa puso ko dahil sa presensiya niya.

 

 

 

"Oh my gee Vannie. I missed you! Gaano na nga ba katagal? Six months? Geez! Tagal kong nawala, I'm so glad I'm back. And it's for good." Tumingin siya sa akin kaya napalunok ako. She's back? And for good? At hindi naging lihim sa akin ang talin ng titig niya sa akin kahit na may matamis siyang ngiti sa mga labi.

 

 

 

"A-anong g-ginagawa mo dito?" tanong ko. Hinarap niya ako saka inayos ang damit ko.

 

 

 

"Well, I'm going to take Xander back. Pati lahat ng kinuha mo sa akin noong nawala ako--" tinulak ko siya sa sinabi niya at muntikan na siyang matumba.

 

 

 

"What do you mean?!" nanginginig ko ng tanong. Sabina was about to answer me when Xander emerged from our room, he's only wearing his pajama at wala siyang suot na kahit na anong pang itaas.

 

 

"Baby!" Sabina shrieked. Agad siyang tumakbo papunta kay Xander at hinalikan ito sa labi. Xander catched her and kissed her passionately na para bang sila lang ang tao sa buong bahay. Napasinghap ako ng makita kong unti unti ng tinatanggal ni Xander ang kumot na nakatabing kay Sabina pero pinalo ng kapatid ko ang kamay ng asawa ko.

 

 

 

"Xander, ano ba kakatapos lang natin!" malanding tawa ni Sabina. Mabilis akong tumalikod dahil sa sakit na nararamdaman ko habang tinitingnan silang dalawa.

 

 

 

Akala ko ba ayos na kami? Akala ko ba binigyan na niya ako ng pagkakataon na patunayan na kaya rin niya akong mahalin? Bakit.. bakit ganito na naman ngayon? Bakit nagbago ang lahat? Was it because the real bride is back? And I, the substitute is no longer needed?

 

 

 

"Savannah.." napaharap ako ng tinawag ako ni Xander. Hinalikan muna niya si Sabina sa pisngi bago bumaba at may inabot na folder sa attaché case niya na nakalapag sa sofa.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon