Staking Her Claim

313K 5.6K 633
                                    

DALAWAMPU'T PITO

I really can't sleep. Kanina pa ako paikot ikot sa kama pero hindi talaga ako makatulog. I'm guilty because nasayang ang effort ni Xander for our anniversary. On the other hand, it only serves him right! Higit pa sa nararamdaman niya ang naramdaman ko noong rejection sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan eh, samantalang siya, sinadya niya lahat ng ginawa niya sa akin. Oh shucks! I really don't know what to do anymore.

Have I gone overboard? Sumobra na ba ako? Saang parte ba kasi ng hindi pa ako handa na makinig ang hindi kayang intindihin ni Xander. Bakit ba hindi muna niya ako pabayaan? Hindi ko pa kayang maging asawa niya sa ngayon kaya yung mga anniversary thingies na yan, wala pa sa isip ko. But I disappointed him. Eversince, noong magkaibigan pa lang kami, ayaw na ayaw ko siyang nadidisappoint. Hanggat pwede, gusto ko masaya siya. Pero ngayon, ako mismo ang rason kung bakit siya nalulungkot.

Tanghali na akong nagising kinaumagahan. Wala na rin si Xander sa tabi ko. Ng bumaba ako, mga katulong na lang ang naroon. Sumama kay Ericka ang kambal at kay Xander lang sila nagpaalam dahil tulog pa ako.

"Aga nagising ah."

Nilingon ko si Andrei na prenteng umiinom sa sofa namin. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagtimpla ng sarili kong kape. Sinundan naman niya ako at umupo na sa counter top.

"Bakit ganyan kayong mga babae? Ang hirap ninyong suyuin?" nilingon ko siya at nakatitig siya sa kape niya.

"Bakit ganyan kayong mga lalaki, isang beses lang kaming makalimot, nagagalit na agad kayo?" ganti ko. Tumawa naman siya.

 

"Hindi ninyo kasi nakikita kung gaano kalaki ang effort na binibigay namin para sa inyo. Akala ba ninyo madaling manligaw? Siguro iniisip ninyo, bibili lang kami ng bulaklak, ng chocolates at ng kung ano ano pa tapos kapag binigay namin sa inyo, tapos na. Hindi man lang ninyo inisip yung efforts namin para pagplanuhan lahat. Yung pag-asa na sana bawat gawin namin maappreciate ninyo. Yung stress sa pagpili ng ibibigay at sa pag-iisip ng sasabihin. Mika, hindi kami vocal sa nararamdaman namin. Kaya sa mga surpresa namin idinadaan. Kaya kapag nasayang ang surpresa, masakit. Kasi pati nararamdaman namin, parang nasayang lang din." Mahaba niyang litanya. Hinilot ko ang sentido ko at tinitigan siya ng masama.

 

"Pero hindi sapat na dahilan yun para magalit siya sa akin! I mean, okay andoon na ako sa nakalimot ako. Pero naman, sana naisip niya, naghiwalay na kami bago pa man namin  macelebrate yung first anniversary namin! At pitong taon na yun for pete's sake!  Gosh! Ang arte ng Kuya mo!" frustrated kong sabi bago napaupo. I kept my head low as I felt my cheeks becoming wet because of tears.

"Hindi galit si Kuya Mika.." tumingin ako kay Adrian. Ngumiti siya sa akin and patted my hair.

"Nasaktan siya. Iba ang nasaktan sa nagalit." Yumuko si Adrian para magkapantay kaming dalawa.

"Diba sinabi ko na sayo noon? Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Pati rin si Xander." He gently brushed my tears away.

 

"Sa bawat piso laging may kara at krus. Sa bawat direksyon laging may kanan at kaliwa. Sa bawat elevator may up at down. Lahat ng bagay Mika, may dalawang side. Kung lagi mong isasara ang puso mo sa side ni Kuya, hindi na talaga maayos yang pagsasama ninyo kahit na gaano pa ninyo kamahal ang isa't isa. You can close your eyes to the things you don't want to see, but you can't close your heart to the things you don't want to feel. Bakit ba sa tingin mo bothered ka na galit si Xander sayo? Bakit ka umiiyak ngayon? Bakit ka nagaalala na baka napagod na yung kapatid ko sa pagsuyo sayo? Bakit kaya Mika? Ako alam ko yung sagot pero hindi ko sasabihin kasi gusto ko ikaw ang makaalam. Pakinggan mo yung puso mo Mikaella. It will answer all of your questions."

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now