Necktie

370K 6.2K 619
                                    

DALAWAMPU

 

 

 

 

 

 

 

"Shit naman!" Xander hissed while looking at the mirror. Kung hindi lang iritable ang mukha niya, baka pinagtawanan ko na siya. Kalalaking tao, Executive na naturingan, tapos simpleng neck tie lang hindi niya pa maayos mag-isa.

Tinitingnan niya ako, tapos susubukan na naman niyang ibuhol yung necktie tapos titingin na naman siya sa akin. I rolled my eyes at pinagpatuloy ang pagtutupi ng kumot sa kama. If I know, gusto lang niyang tulungan ko siyang isuot yung necktie niya. Hmp! Neknek niya, bahala siya diyan mag-isa.

"Van.." tawag niya. Nilingon ko siya saka pinagtaasan ng kilay. Hanggang ngayon, nakahang pa rin ang necktie niya at hindi pa rin naaayos. Nagpout si Xander sa akin pero pinameywangan ko lang siya.

"Oh?" tanong ko. Napataas naman ang kilay niya bago humarap sa salamin ulit at bumuntong hininga.

 

"Wag mo na akong hintayin mamayang gabi. May meeting kami sa mga Swedish investors over diiner. Baka gabihin ako---"

 

 

 

"Okay lang.Hindi naman kita hinihintay eh. Kahit umagahin ka pa, ayos lang. Kung gusto mo, mag hotel ka na lang kung gabi na talaga kayo matatapos." he looked at me wide eyed. Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin. Then he clenched his jaw and slammed his fist.

 

"BWISIT NA NECKTIE ITO!!" sigaw niya at binalibag pasara ang pinto. Anong problema nun ha? Sinundan ko na lang siya pababa. Nakakunot talaga ang noo niya pero nung lumapit yung mga bata sa kanya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

 

 

 

"Mommy!! Can we play outside? Can we? Can we?" excited na tanong ni Alexa sa akin. Tumango naman ako. Hinila na niya si Sandro palabas at pumunta sila sa garden.

 

 

"Problema mo Kuya? Sambakol mukha mo ah?" puna ni Hannah sa kapatid niya. Inabutan niya ito ng kape pero hindi tinanggap ni Xander. Inabot na lang niya kay Hannah yung necktie.

 

"Suot mo nga." utos niya sa kapatid. Halos ingudngod na niya ang necktie sa mukha ni Hannah. Nilingon naman ako ng pobre niyang kapatid pero nagkibit balikat lang ako. Umupo na ako sa stool saka nagsimulang magtimpla ng kape ko.

 

"Tss. Di man lang ako mapagtimpla." Bulong niya. Tiningnan ko naman si Hannah na bumubingisngis na. I mouthed ' Ano daw?' dahil hindi ko narinig yung sinabi ng halimaw niyang Kuya pero umiling lang siya.

 

"Kuya, hindi ako marunong magsuot ng necktie. Kay Ate mo na lang palagay." Hannah said. Xander looked at me, then to her.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now