Substitution

353K 7K 660
                                    

IKA PITO

 

 

 

 

 

SAVANNAH

 

 

"Do you really want me to die at the age of 27 ha?" I asked my bestfriends. Yumuko lang si Ericka but Pier went to me and pulled my hair.

"Aaw!!" I shouted at him. Agad lumapit sa akin si Alexa and si Sandro.

 

"Mama may masakit?" Alexa approached me. Sandro started doing sign language para kamustahin ako. Pier took Sandro's arms and explained everything to my son. Tumango tango ito at nag sign ng thank you. Napangiti ako.

Sandro was mute. Ipinanganak naman siyang normal but he never spoke. Hindi ko alam kung may diperensiya ba siya or epekto ng pagkakasagasa ko noong pinagbubuntis ko pa lang silang dalawa. Sabi naman ng mga doctor ay walang mali sa kanya. His vocal chords are in good shape. Kaya nga hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya nagsasalita kahit 6 na sila ni Alexa.

Lumapit si Sandro sa akin and kissed me on the cheeks. Alexa did the same thing too before they went out again to play. Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ang dalawa.

 

"Bakit magkasama kayo ni Xander?" Pier asked me. Tiningnan niya ako ng masama. Nagkibit balikat na lang ako. Pier is angry, kahit anong gawin kong paliwanag ay hindi niya ako paniniwalaan, kaya mananahimik na lang ako.

"Nakalimutan mo na ba Savannah?! Xander was the reason why Sandro can't talk!! Tinapon ka niya and if it is not for Andrei baka patay ka na! Baka patay na yung mga anak mo--"

 

 

"Enough!! Pier, please." Tumayo na ako at sinundan ang mga anak ko sa labas. I shut my eyes ng bumabalik sa akin ang mga alaala.

 

"Savannah, call Sabina. Tell her, aalis na tayo." Dad told me. Today is the day that I dread the most. Sa mabibigat na paa, and the fact that I hate the dress I am wearing now, pumunta na ako sa kwarto namin ng kambal ko. Marahan ko siyang kinatok but when she did not say anything ay pumasok na ako, only to be stunned with what I saw.

 

 

Sabina has her hair messed up. Nakasuot lang siya ng jeans at shirt. I looked around the room and saw her wedding gown still neatly hanging on our closet. Binalik ko ang tingin ko sa kanya as she gets the travelling bag at basta na lang naglagay ng mga damit niya doon. Agad akong lumapit sa kanya at tinanggal ang mga damit na nasa maleta na. nagulat naman siya sa akin pero agad ding nakabawi.

 

 

"Anong ginagawa mo Sabina?" I hissed. Pinipigilan ko ang luha ko na pumatak dahil sa galit. Galit kasi heto na siya oh, kanya na si Xander, si Xander na pinangarap ko at minahal ko sa buong buhay ko. Si Xander na tagapagtanggol ko. Si Xander na hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin, dahil si Sabina, ang kapatid ko ang mahal niya.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now