"We always hurt the one that we love."
- Dr. Grace
LABING WALO
"Savannah naman. Please, kahit kalahati lang anak, kainin mo." Pilit ni Mommy sa akin sa lugaw. Umiling lang ako. Daddy sighed saka pinatayo si Mommy sa kama ko. He went near me and took my hand.
"May gusto ka bang iba?" He asked me. Umiling lang ako. Hannah and Adrian sighed. Nakita ko pang napatiim ng bagang si Andrei.
"Ate, magsalita ka naman. We're getting worried here." Sabi ni Hannah. Tinitigan ko lang siya. It has been two days since the accident. Hindi pa ako pinapauwi dahil may fractures pa ako sa braso at konting mga sugat. And yes, magmula noong nalaman kong wala na ang anak ko, hindi na ako nagsalita. I just kept on looking at the wall. Numb. The fact that I am already childless took its toll on me. I can't even remember why am I here. Or where did I get these bruises. Wala na akong maalala. Ayokong maalala kung paano nawala ang bata sa sinapupunan ko.
"Bibili lang po ako ng maiinom." Paalam ni Andrei. Palabas na siya and when he opened the door, naroon si Xander. He's holding a huge basket of apples and oranges in his left arm. May hawak naman siyang isang bouquet ng white roses sa kabila.
"Alexander, what are you doing here?" Dad asked. Tumayo na ito at akmang itutulak si Xander ng humarang si Mommy.
"Umalis ka na Kuya. She's not yet ready to talk to anyone right now." Hannah calmly said. Tumingin si Xander sa akin with eyes full of sadness. Pulang pula ang mga ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakulangan sa tulog o dahil ito sa pag-iyak-- no. Why would he cry on the first place?
"I have to talk to her Sir." Sabi niya na parang doon nakadepende ang buhay niya. I saw the eagerness and desperation. Kung ibang tao siguro ang kausap niya malamang, itinulak at sinuntok na niya ito para lamang makapasok.
YOU ARE READING
The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)
General Fiction"Kahit kailan hindi mo ako tiningnan bilang ako. Hindi mo ako tinuring na asawa dahil ibang babae ang nasa isip mo pag tayo yung magkasama. Sa bawat pagsabi mo ng mahal kita, sa bawat yakap mo at halik, siya ang nasa isip mo at hindi ako. Minahal mo...