Realizations

368K 6.3K 757
                                    

LABING TATLO

Ang ingay! Ang ingay ingay! Bakit maingay?! Putapete naman kasi si Xander! Pati yung mga bata sumama pa sa kalokohan niya.

 

"Baby I love you mahal kita! Ikaw na nga wala ng iba!" kanta sila ng kantang tatlo. Hanggang diyan lang naman yung lyrics nila. Paulit ulit. At hindi na pala sila kumakanta! Sumisigaw na sila! Ang iingay! Ang kulit!

Nakakainis pa kapag sinasabi na niya yung mahal kita, tinutusok ako sa tagiliran nung mga bata tapos si Xander kikindatan ako tapos tapos!! Ay basta! Nakakaasar na siya. Kung ano anong itinuturo sa mga bata!

Sumandal na lang ako sa headrest ng kotse at tumingin sa labas. Bahala yung tatlong mangapaos sa pinaggagagawa nila.

 

"Daddy! May question po kami ni Sandz!" nilingon ko si Alexa. Nakatingin ang kambal sa ama nila at nakangiti pa.

"Ano yun sweetheart?" sagot ni Xander. Alexa fiddled with her hair tapos tumingin naman sa akin. Nangunot naman ang mata ko.

 

"Paano po kayo nagkakilala?" she asked. Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Nanlalaki naman ang mata ko and I looked at Xander. A hint of amusement was traced on his face.

Ano kayang sasabihin niya? Maalala naman niya siguro yung birthday party ni Papa kung saan pinakilala ako sa kanya. Yun talaga yung first meeting namin pero naging magbestfriends kami nung naging partner kami sa quiz bee ng school namin.

Tinitigan ko siya at naghihintay ng sagot niya. Mukhang nagrereminisce pa siya kasi may pangiti ngiti pa siyang nalalaman eh. Mukha tuloy siyang tanga.

 

"Paano kasi honey?" tapos tumingin siya sa akin. Napakurap kurap naman ako. Seryoso? Hindi niya naalala? Wala siyang alam?

"Di mo alam?" paninigurado ko. Baka kasi pinagtritripan lang ako nitong halimaw na ito.

 

"Hindi talaga Van eh. Nakalimutan ko na. Tagal na rin nun." Cool pa niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko para makapagtimpi sa lokong ito. Masasabi niyang mahal niya ako katapos yung unang araw na nagkakilala kami kinalimutan niya? Halimaw talaga!

Hindi na ako nagsalita ulit pagkatapos ng nangyari. Disappointed kasi ako. Akalain mo yun. Magkaibigan kami since I was 14. Kinasal kami nung 20 ako pagkatapos wala siyang naalala kahit na konti? Ano yun? Wala akong halaga sa kanya?

Nakahalukipkip lang ako sa buong biyahe pauwi. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ko pa rin siya tiningnan man lang.

 

"Savannah.." tawag niya. Pero tuloy tuloy lang ako sa pagpasok. Ang kaso yung mokong hinarangan yung pinto.

 

"Papasok ako Xander." I said matter of factly.

"Galit ka." He said matter of factly. Napa-hah na lang ako sa sinabi niya dahil sa sobrang iritasyon.

 

"Umalis ka nga diyan. Dadaan ako." I hissed at him sabay tulak sa kanya. Pero ang halimaw hindi man lang natinag.

 

"Bakit ka muna galit?" tanong ulit niya. Ngumis ngisi pa siya. I rolled my eyes at him.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now