Bitch

3.1K 52 4
                                    

"You certainly came quickly."  Wika ng isang pamilyar na boaea ng isang babaeng papalapit sa kanya. Kahit naka jacket pa ito at madilim ang lugar, she can recognize her. Hindi siya pwedeng magkamali. Nikki Joy Facundo. Nagsalubong ang mga kilay ni Coline at hinarap ang babaeng sinesante ni JC.

"Nasaan ang mga anak ko? Walang hiya ka!" Coline's hands itch to slap the woman standing in front of her. Gusto niya itong kalbuhin sa sabunot but two men in black jackets held her still with both arms. Kaya nalaglag ang maletang hawak niya mula pa kanina.

Lumapit ang nakangising si Nikki na tila ba nasisiyahan sa nakikitang kalagayan in Coline. Kinuha niya ang nalaglag na maleta at binuksan iyon saka tila ba ininspeksyon ang perang laman niyon.  "Easy, tigress. Your cubs are safely tucked in your in-laws."

"Bakit mo ba to ginagawa? Kung gusto mo ng away, hindi kita uurungan! Ganyan ka ba kaduwag para magtago sa anino pa ng mga anak ko?!"

Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa kanya kasunod ng mga malulutong na tawa ni Nikki. It stings. But she won't back down. "Ang sarap palang sampalin ng isang Coline Romualdez... Hmm. Isa pa nga." And Nikki did it again.

With adrenaline rushing through her, hindi siya makapapayag na dumapo ang maruming kamay ng babaeng ito sa makinis niyang balat. Mabilis siyang nakawala sa mga lalaki at hinablot ang buhok ni Nikki na napangiwi sa sakit. D*mn. This is her forte. Ang manabunot ng babae. Minsan na siyang nakapanabunot nang makitang may dinalang babaeng parausan ang namayapa niyang asawa sa mismong bahay nila.

"Kayong dalawang kumag na tatanga-tanga! Isang babae lang nalusutan pa kayo?!" Sigaw ni Nikki habang sinusubukang alisin ang nakasabunot na kamay ni Coline at nagpupumiglas sa sakit.

Dinampot ni Coline ang bote ng alak sa sahig saka iyon binasag at itinapat sa leeg ni Nikki. "Try to come near me at mapupunit ang balat ng amo niyo." Banta niya sa dalawang lalaking nagtatangkang lumapit sa kanila.

"Mga inutil! Tulungan niyo ko dito! Hindi niya kaya ang sinasabi niya!" Sigaw parin ni Nikki whose face now turned red while still struggling with Coline's fistful of her hair.

"Think again bitch! Para sa mga anak ko, I can even kill."

"Wow ah. Natakot ako." Sarkastikong tugon ni Nikki.

"You better be. " Coline calmly said at hiniwa ang pisngi ni Coline, blood dripping from her wounded face.

"Oh my God! Ipapapulis kita pag nakawala ako dito! This is frustrated murder!"

"Self-defense is not murder, Nikki Joy. Habang lumalapit ang mga yan, di ko titigilan ang pagbiyak ng balat mo sa mukha. Kaya mamili ka."

"Stop! Lumayo na kayo mga gunggong!"

"Madali ka naman palang kausap. Now Nikki, tell me, asan ang mga anak ko?"

"Na kina Madam Ezpie at Sir Noel. Napag-utusan lang po ako."

At bumait pa ang bruha. Kelan pa siya naging magalang?"Why should I trust you?"

"Go check my phone nandiyan po ang mga convoy namin."

Coline took Nikki's phone from her pocket. "Go ahead and call them."

"A-ano pong sasabihin ko?"

"Bahala ka. Magaling ka namang magsinungaling at tumahi ng storya. Basta malaman ko kung nasaan sila. You don't need a script, you're one great liar."


Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now