Taken

2.6K 35 0
                                    

"Ma'am Ezperanza?! Sir Noel?!" Bulalas ni Nanay Ester nang pagbiksan niya ng pinto ang bagong-dating na mag-asawa.

"Ester, ang mga bata?" Tanong no Esperanza nang tuluyang makapasok sa sala.

"Naku, kaaalis lang po ni Ma'am Coline, di niyo nasabing uuwi kayo dili sana'y nakapaghanda kami na salubungin kayo. Nasa taas po ang mga apo ninyo kasama ang bagong yaya."

"Hindi rin naman kami magtatagal Ester. Hihiramin lang namin ang mga apo namin." Anang matandang lalaki.

"Ah opo, ihahanda ko lang po ang mga gamt nila." Paalam ng matanda saka  umakyat sa nursery kung saan naglalaro ang mga batang Lionheart. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumaba si Nanay Ester kasama ang mga bata. "Hindi niyo na po ba hihintayin si Ma'am Coline?"

"Hindi na. Namiss naming ang mga apo namin." Esperanza hugged Lauren who giggles excitedly at her Lola's pasalubong na dark chocolates.

"Eh ang yaya Ma'am di niyo na po ba isasama?" Pahabol na tanong ni Nanay Ester habang sumasakay na sa kotse ang mag-asawa kasama ang mga bata.

"Kaya na namin ang mga apo namin Ester. Gusto lang muna naming masolo ang mga apo namin. Anim na buwan namin silang di nakasama." Sagot ni Noel na karga ang kambal na naghaharutan. "Binaunan mo ba sila ng gatas?"

"Opo. Tsaka diaper at damit po sakaling pagpawisan sila."

"Good. Heto Ester, para sayo ito." Abot  ng matandang lalaki ng 10,000 na nakasilid sa envelope. "Sa pag-aalaga sa mga apo namin habang wala kami."

"Naku, Sir, maraming salamat po!" Tuwang-tuwa ang matanda as she bid the couple a safe trip. Hindi niya alam na ito na pala ang huling pagkakataong makikita niya si Lauren at ang kambal.

                              *****

6:30 pm.

"Nay sigurado ka bang sina Mama't Papa ang kumuha sa mga anak ko?"

"Opo Ma'am. Di ako magkakamali. Kilala ko ang mga Lionheart. Binigyan pa nga ako ni Sir ng bonus eh."

Something's not right. Siguro mother's instinct talaga. Dati naman kasi ay tatawag o magtetext ang mga in-laws niya kung saan magpapasayal ang mga bata. And for Christ's sake! Pasado alas sais na! At bakit biglaan ang pag-uwi nila na di man lang siya sinabihan samantalang sila na lang ang pamilyang mayroon sila. Fear crept in her spine. Baka may kung among nangyari na sa kanila. Huwag naman sana.

"Heartbeat, calm down. Hindi naman sila pababayaan ng mga in-laws mo."

"Alam ko. Hindi lang kasi ako sanay na ganitong oras wala pa ang mga anak ko sa bahay. The house feels so empty without my children."

"Baka na-traffic lang sila."

"Sana nga ganoon lang. But what if--" she can't been say out loud the words else it would sound as a bad omen. Ayaw man niyang magpaka-nega ngunit her gut tells her something is amiss. "Tumawag kaya ako sa pulis?"

"Heartbeat, hindi ikokonsiderang nawawala sila dahil wala pang 24 hours at wala pa tayong text na natatanggap. Malay mo bumisita lang sila sa mga theme parks. Think of the beat, sweetie."

"God! Hindi ko kayang mawala ang mga anak ko JC. Mababaliw ako." At napahilamos siya ng mukha gamit ang dalawang palad at napaiyak.

He hugged her for comfort. "I know heartbeat. They mean so much to me too."

Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now