Obvious

2.9K 56 0
                                    

Nagising si Coline na kumikirot ang bawat himaymay ng kalamnan ng kanyang katawan. Hindi siya nakatulog ng maayos at pinagod siya masyado. Mabuti na lang at naipakisuyo niya ang leave forms niya kay Yya. She can't go to work with an aching body! But seeing an angelic face by her side makes it all worth it--ang sakit ng katawan niya at ang pagod niya. Hinaplos niya ang mukha ng nahihimbing na si Lauren na nakahiga sa tabi niya. Tama si JC. Lumalaki na nga ito. If only Louie is with them, siguro hindi siya ganito kapagod sa pag-aalaga sa mga anak nila. He's a responsible father after all.

"Mama... Didi..." Emma called out.

Maaga talagang nagigising ang isang to. Coline thought. Kahit pupungaspungas, tumayo na rin siya. Ganito talaga siguro pag isa kang ina. Kahit gaano kapagod, uunahin ang kailangan ng mga anak. They're her treasures. At ang makitang masaya ang mga anak niya ang tanging pumapawi ng lahat ng pagod niya. Kung bakit naman kasi nakipagtanan ang yaya ng kambal niya kung kailan wala ang in-laws niya. Well at least, may alibi siya para hindi makita ang lalaki.

                             ****

"Yya, "

"Yes, Sir?"

"Ang Ma'am mo?"

"On leave po." She answered sabay abot sa folder.

He studied the forms and his brows formed a straight line. "Indefinite leave? Bakit?" Malamang dahil sa nangyari sa ospital. Nice move, idiot. Tudyo ng utak niya.

"Personal reasons daw po." Yya answered politely.

Sinasabi ko na nga ba. Now what, JC. You just scared the woman away, stupid. With that idea, he was annoyed with himself. "How personal? Hindi ba niya alam na maraming mga projects na pending ngayon?" Hindi niya maiwasang tumaas ang boses. He's too annoyed at himself because he terribly misses the woman at siya ang dahilan kung bakit hindi into pumasok nang nagdaang mga araw. God, Coline is making him insane. Her absence makes him all grumpy and moody.

"Ah, eh, Sir... And totoo po niyan, kawawa nga po si Ma'am. Eh diba po nagpagamot sa New York si Sir Noel? So ibinalik sa kanya ang mga kambal. Tapos sumabay pang nakipagtanan ang haliparot na yaya ng kambal kaya stressed na si Ma'am dahil wala pang replacement ang yaya ng mga anak niya." Pagpapaliwanag ni Yya.

"You mean, she's with the kids? Bakit di mo agad sinabi?" He asked in a softer tone.

"Bakit po Sir, may alam ba kayong nag-aapply maging yaya?" She excitedly inquired.

He was snapped into reality nang banggitin iyon ni Yya. Oo nga naman. Bakit siya sasabihan, e sa wala naman siyang karapatan sa mag-iina. "What's my schedule today?"

"10 am po meeting with the Research and Development Department. At 11 am po meeting ng GAD. At 12pm po luncheon meeting with Dr. Aakbar. At 1pm po conference with the BOD."

"Clear my schedule."

"Lahat po, Sir?"

"Yes. Lahat. Either cancel them or cover up for me." Because he badly needs to see her. It's been five freakin' days without her. Then he walked toward the elevator.

"Sir!" Yya called out. "1438 Lancaster Heights." She said and saw him with puzzled expression. His face is epic. "Address po ni Ma'am."

So that's what the numbers are for. Natatawa siya sa sariling katangahan. Napailing na lang siya at napangiti. D*mn. Is he that obvious? He smiled at Yya before he stepped into the elevator and said "Thank you."

Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now