Chapter 21

33.4K 1K 227
                                    

Chapter 21

            Nanahimik lang si Jax after kong sinabi yun. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa akin or what. Hindi na talaga siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami doon sa bahay namin. I opened the gate, at saka ko napansin na wala na naman yung kotse ni Daddy. In a way dapat siguro matuwa ako na wala si Daddy, dahil kung nandito yun at nakita niya na umuwi ako sa camping trip na pinuntahan ko, I have to come up with a pretty legitimate excuse para maniwala siya kung bakit ako umuwi ng maaga. I mean really, I’m not about to tell him I had a concussion. That would just be the end of me going out alone with my friends.

            “I guess, thank you for taking me home…” sinabi ko kay Jax nung nakababa na ako sa kotse niya. Bumaba rin naman siya at nilalaro niya yung smartkey ng kotse niya sa kamay niya.

            “I’m not leaving,” sinagot niya kaagad sa akin, “whether you like it or not.”

            Eto na naman siya. Ayaw na naman niyang umalis dahil kailangan ko ng bantay na naman siguro dahil kay Wally. Kung sabagay, mag-isa nga ako pero hindi naman siguro mapapano. “Okay lang ako Jax. You can go home.”

            “Pleade don’t try and make me leave because it’s not happening.” Mukhang napipikon talaga si Jax sa akin. From the looks of it, parang hindi nga talaga siya aalis, “Kailangan kong gisingin ka every two hours gaya ng sinabi ng doctor kanina.”

            As soon as he said that, I had that shiver in my spine at naka-amoy na naman ako ng sweet smell. Pagkaramdam na pagkaramdam ko nun at pagka-amoy ko, napalingon ako dahil alam ko na nandito siya.

            Alex materialized next to me. “Hindi na kailangan, ako na gagawa.” He said, addressing Jax directly.

            I was expecting Jax na magalit or mag retaliate kay Alex, pero kalmado lang naman siya. Nakita ko lang na nakakunut-noo siya na tinitignan si Alex as if trying to study him. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagtataka siya na hindi ko  maintindihan. “Did you just…?” tinanong niya kay Alex pero hindi ko alam kung ano.

            “I’ll take care of her,” sinabi lang ni Alex, “And thank you for you looking after her kagabi.”

            Umalis naman si Jax without saying another word. Hinintay ko pa na makaalis yung kotse niya at kumaway na lang din ako. He was very good to me kahit na yung page-express ni Jax eh over the top minsan. He did look after me, and I’m very thankful.

            Pumasok naman na ako sa loob ng bahay at kasunod ko nun si Alex. Sa totoo lang, excited na excited ako na nagpakita na siya uli sa akin. Nararamdaman niya kaya na masaya ako na makita siya?

            Umakyat naman ako doon sa hagdan namin without saying a word to Alex. Naririnig ko lang na kasunod ko siya doon sa hagdan kaya naman nagulat na lang ako nung bigla na lang niya akong hinawakan ng mahigpit sa wrist ko, at hinila niya ako ng mabilis. This caused me to trip doon sa hagdan at nahulog ako kay Alex. He was like a wall though, and he didn’t budge. I just felt him let go of my hands, and he hugged me very very tight. Nanlaki siguro yung mata ko sa sobrang gulat ko at nagre-rest na yung mukha ko sa dibdib niya. “Alex? Okay ka lang?”

            He still didn’t let go of me. Instead, tumayo lang siya doon at walang sinabi nung una. Niyakap lang niya ako ng mahigpit. I tried to get away from it dahil gusto kong makita yung mukha niya, pero hindi niya ako pinaalis. After a while, I just enjoyed standing there na niyayakap niya in silence. It felt really nice.

            After what felt like a very long time, he finally let go of me, “Thank you for staying alive.” I heard him say.

            I thought that was an odd way of putting it, pero dahil si Alex naman yun, I am taking that as a good thing, “Hindi ba dapat ako ang mag-thank you sa iyo?”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon