Chapter 37

25.8K 766 113
                                    

Chapter 37

            Nung lumabas ako ng pintuan ng bahay namin eh nakita ko si Jax na nakatayo at nakasandal doon sa kotse niya habang hinihintay ako. I just kept staring at him kasi hindi ko talaga maalis yung tingin ko sa kanya. He was wearing this tan-colored leather jacket na hindi naka-zip, which revealed just a regular gray tank top sa loob. He paired it with jeans at hawak-hawak pa niya yung phone niya sa kanang kamay niya, “I know… I know… I’m good looking. Quit checking me out…” he joked around nung papasakay na ako ng kotse niya.

            “Yabang nito…” tinuro ko naman siya, “Magpa-humble ka naman paminsan-minsan.”

            “Papa-humble pa eh alam naman natin kung ano ang totoo.”

            Natawa na lang ako sa sinabi niya at nagsimula na siyang mag-drive after kong maisuot yung seatbelt ko. Hindi naman malayung-malayo yung club na pinili ni Alex doon sa bahay. Sa totoo lang, hindi talaga namin alam ni Jax kung saan sila talaga pupunta nung una, pero nilagay namin si Trixie on that mission to find out kung saan yung lakad ni Alex at ni Robin. She found out earlier that evening, called Jax, and now we’re off to go there. Nanginginig pa ako doon sa kinauupuan ko at panay pa ang tap ko ng mga paa ko habang nakaupo ako. Napansin yata ni Jax dahil nag-comment lang siya sa akin, “Alam mo, hindi naman natin kailangang pumunta. Pwede pa tayong bumalik kung magbago pa ang isip mo.” Sinabi niya sa akin sabay turo niya doon sa binti ko.

            I stopped tapping my foot at tumingin lang ako sa kanya, “Hindi. Gusto ko talaga pumunta. Nanginginig lang ako kasi giniginaw ako...” pinatay ko naman yung AC ng kotse niya, although I doubt that would help in any manner. Nagpalusot lang naman ako dahil sa totoo lang eh yung anxiety ko ay mataas pa sa langit.

            Nung nakarating na kami doon sa lugar, nakailang ikot na kami around the area pero wala kaming mahanap na parking space. Huminto uli si Jax doon sa harapan nung club, “Bababa na kita dito para hindi ka na maglakad ng malayo wearing those heels. Hahanap ako ng parking kaya hintayin mo na lang ako diyan. Okay lang?”

            Tumango naman ako at bumaba na lang ako ng kotse niya.

Nung nakababa na ako at naglakad na ako papalapit doon sa club, nakita ko na may mahabang pila doon sa labas at may mga bouncer pa doon na hinaharang yung mga tao. Punung-puno siguro yung club at pakonti-konti lang yung pinapapasok nila.  Hindi ko tuloy alam kung makakapasok kami ni Jax kung ganito na karami yung tao sa labas. Ang dami-dami pang babae doon sa pila, at habang nakatayo ako doon mag-isa eh may grupo naman ng mga lalaki na sumunod kung saan ako nakatayo. Sana lang umabot kami dahil gusto ko talagang makita sina Alex at Robin.

After a few minutes of waiting, narinig ko na may nagsasalita sa likuran ko pero hindi ko pinapansin. Panay ang tawag ng ‘Miss’ kaya hindi ako lumingon dahil hindi ko alam kung sino yung tinatawag nila. Naramdaman ko na lang na may kumalabit sa likod ko kaya ko nalaman na ako pala yung tinatawag nila. Yung mga lalaki pala na nasa likuran ko. “Miss, pwede makipagkilala?”

            Normally, I wouldn’t entertain it at magsusungit na lang ako. Pero dahil wala doon si Jax at nag-iisa lang ako, hindi magiging in-favor ko na magsungit pa ako dahil baka kung ano pang mangyari sa akin since I’m outnumbered. “Zoe.” I extended my hand para kamayan ko sila isa-isa, “Nice to meet you guys.”

            “Nicolas…” sabi nung lalaki na pinakamalapit sa akin sa pila, “Barkada ko nga pala itong mga ‘to.” Nginitian ko na lang silang lahat at kinawayan, “Oo nga pala, trip ka nung tropa ko na yun na nasa likod. Ang ganda mo raw kasi. Pwede ka raw bang isayaw mamaya sa loob?”

            Ayaw ko namang sagutin yung tanong niya dahil sa totoo lang, ayaw ko rin namang makipagsayaw sa hindi ko kilala. Hindi pa naman ako mahilig sa mga clubs. Kaya lang naman ako nandito eh para lang kay Alex and no other reason. Being is here is already very uncomfortable tapos ngayon eh makikipagsayaw pa ako sa mga hindi ko na nga kilala, mga mukhang lasing pa. Mukhang naghihintay pa sila ng sagot ko kaya mabuti na lang eh nakita ko si Jax na dumating na and I pretended that I didn’t hear. Hindi yata ako nakita ni Jax sa pila dahil dumeretso siya doon sa pinakaharapan ng pila at kinausap niya yung mga bouncer. “Jax!” Sumigaw naman ako at itinaas ko pa yung kamay ko para makita niya ako.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon