Chapter 48

27.1K 1K 212
                                    

Chapter 48

            “Tonight is your night. Ngumiti ka naman…” sinabi ni Trixie sa akin habang inaayos niya yung buhok ko, “Bakit ba nakasimangot ka?”

            “He’s gone. Hindi na siya bumalik.”

            “Zoe, my God!” narinig ko na sinabi ni Trixie sa akin, “Apparently ayaw na magpakita ni Alex sa iyo. I mean, yeah, naligtas niya siguro yung Daddy mo—and that’s admirable—pero hindi mo pa ba nakikita yung clues na binibigay niya sa iyo? Ayaw na niya ng koneksiyon sa iyo. Kaya nga siya biglang nawala sa ospital nung magising siya ‘di ba?” huminto siya sa saglit, “Kahit sa mga nurses wala man lang siyang sinabi. Tumakas na lang bigla.”

            Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya, “That’s not true.”

            “Move on.” Narinig ko na sinabi niya, “I-enjoy mo naman yung hard work mo sa event na ito at huwag mo ng isipin yang ex-boyfriend mo na yan kahit ngayong gabi lang. Ang ganda-ganda doon sa labas. Nakita mo ba yung damit ng lahat? Lahat sila mukhang magagandang anghel na may mga pakpak.”

            Tama nga siguro si Trixie na dapat nga i-enjoy ko itong gabi na ito. But she’s wrong about two things: this isn’t my night. This night is about Alex. I remember picking “Angels” para maging theme ng gabing ito ng dahil kay Alex. I remember taking the event back from her to let it be the celebration of his life. Hindi pa rin nagbabago yun. And another thing is that, I can’t forget about him even for one night. Everywhere I look ngayong gabi na ito, I am reminded of him.

            Pero this time, I am just happy. It’s such a beautiful night.

            Nung pumasok ako doon sa conference room slash ballroom area nung hotel, nakita ko na napunta yung spotlight sa akin nung naglalakad ako. Nagpalakpakan pa yung mga tao. May artworks everywhere, may mahabang table para sa mga pagkain, dance floor, at music para sa lahat. Everybody looked really nice.

            Nung nagsimula na yung event, umakyat si Professor V doon sa stage at bihis na bihis din siya. He also had wings on his back. “Hello… hello…” tinapik-tapik niya yung microphone at humarap na lahat kung nasaan siya, “How are you all doing tonight?” Nagsagutan naman at different intervals kaya ngumiti lang si Professor V, “Before we start this event, gusto ko lang sabihin na lahat ng artworks na nakikita niyo eh gawa ng senior graduating class natin sa university. We also have a contest at the end of the night sa best artwork na nakikita niyo—at may ballot malapit doon sa pintuan, so don’t forget to vote!” Tinuro niya yung mga babae na volunteer na taga kuha ng mga boto ng mga tao, “You all look amazing. I haven’t seen such a beautiful and elaborate event. Alam ko na kakaiba ito sa mga naranasan natin dati pa—and it’s refreshing. This wouldn’t be possible kung hindi dahil sa tulong ng committee…” he went on and on sa mga teams ng event at mga ilang pangalan na captains per team, “sa ating tech and IT guys—thank you sa sound…” ngumiti siya, “sa ating Assistant Director, Trixie Vera…” nagpalakpakan naman and I cheered for her at niyakap ko pa siya, “and of course, last but definitely not the least… ang pinaka-mastermind of this whole event.. our director, Zoe Louise Aldana!”

            It was loud and and everybody cheered for me. Kumaway na lang din ako. Nung una wala akong plano umakyat ng stage, pero tinawag pa rin nila ako. I didn’t really prepare anything to say at hindi rin naman ako magaling sa mga impromptu speeches. Pero siguro ngayon, I have to come up with something. “Wow…” sinabi ko na lang nung nasa stage na ako, “Thanks Professor V, at thank you sa inyong lahat. I’m very overwhelmed sa lahat ng support niyo…” nakaramdam na ako ng niyerbiyos nun dahil lahat ng mata eh nasa akin na. Hindi ko na maaninag yung mga tao na nasa baba dahil sa sobrang nakakasilaw, “I have no words really. I just want all of you to enjoy tonight—to have fun, make memories, meet people, do something dumb—or maybe something smart for a change…” nagtawanan naman yung audience,  “and most of all, I want everyone tonight to celebrate life and the beauty of it. You owe that to yourselves. Have a great evening!”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon