Chapter 22

31.5K 1K 242
                                    

Chapter 22

            Hindi lang yata yung mga classmate ko na mga babae ang napanganga doon sa nangyari—pati rin yata ako. Hindi ko aakalain na magpapanggap si Alex doon. Dati kasi parang ayaw na ayaw niya doon sa sumali doon sa kalokohan ko, pero ngayon tinulungan pa niya ako. Parang may mali yata sa balance ng mundo? Did Alex just lie for me? This is bothering me.

            “Ms. Aldana, put your phone away,” sinabi ni Professor V. nung pumasok na siya doon sa klase, “To those of you who are presenting today, get ready.”

            Wala na yung attensiyon ko sa mga nagpre-present sa klase. Parang lahat ng sinasabi nila eh dumadaan na lang sa isang tenga at lumalabas sa kabila. Ang naiisip ko lang eh si Alex at kung bakit niya ginawa yun. Tinignan ko ulit yung phone ko, pero yung pangalan na ‘Alex <3’ eh wala na. Wala na rin yung last phone call ko. Ewan ko ba. It’s like, poof, parang walang nangyari.

            Nung natapos na yung klase, mabilis ako na naglakad papalabas ng room. Sinusundan pa ako ni Trixie nun sa likuran ko pero hindi ko alam kung bakit. She seemed to be really interested on me after our little talk. Wala naman akong dapat sabihin sa kanya kaya hindi ko na lang din siya masyadong pinansin.

            Come on Alex… show up. I kept thinking that over and over in case na naririnig niya ako, or maybe nararamdaman niya yung hinihiling ko. This connection better work dahil gusto ko siyang makita. Nasaan na ba siya?

            “Saan ka pupunta Zoe?” narinig ko na tinanong ako ni Trixie doon sa likod.

            Wala pa rin ako sa sarili ko nun pero sinagot ko na lang din siya, “Uhmm.. hindi ko alam.”

            Malapit na ako nun sa parking lot kung saan nandun yung kotse ko nung bigla ng lang may lumabas bigla-bigla sa mismong harapan ko. Napahinto ako bigla and I almost fell backwards. Sa sobrang gulat ko at na-realize ko kung sino yung nagpakita sa akin, I followed this with a delayed scream, “AHHHH!”

            “Bakit? Okay ka lang?” lumapit si Trixie at tinulungan niya ako doon sa muntikan ko pang pagkatumba, “Anong nangyari sa iyo at bakit ka sumisigaw?”

            Hindi ko siya sinagot. Instead, nakatingin lang ako ng diretso doon sa harapan ko. Wally showed up right in front of me. Nung una wala pang lumalabas na tunog sa bibig ko at tumuturo lang ako sa kanya. It took a while before I was able to say something.

            “Aa-anong g-ginagawa mo? S-sasaktan mo uli ako???”

            He put up his hand right in front of me as if to calm me down, “H-hindi. H-hindi ako nandito para saktan ka.” Tumingin siya doon sa kasama ko, “Nandito ako para sa kapatid ko.”

            Napatingin ako kay Trixie nun who seemed to be really confused sa nangyayari. She picked it up quick at napatingin lang siya sa akin, “S-si Kuya? Nandito siya no?”

            I gave her a nod really quick. Nandito nga yung Kuya niya. Tumingin siya doon sa direksiyon kung nasaan ako nakaturo kanina at sinubukan din niyang lumapit doon. Hinila ko kaagad si Trixie dahil ayaw ko siyang mapalapit sa Kuya niya, “Trixie, ‘wag! Delikado!”

            Parang walang pakialam siya sa sinabi ko at lumakad siya ng lumakad doon malapit kay Wally. Nakatingin lang siya ng diretso at alam ko na hindi niya nakikita yung Kuya niya dahil nakalihis siya ng tayo, “K-kuya?”

            Nakita ko na nagsimula na siyang umiyak doon. Saka ko lang nabitawan si Trixie nung nakita ko yun at wala na akong nasabi. Ano bang dapat kong gawin ngayon? Ilayo si Trixie dahil ito yung multo na gustong pumatay sa akin? O hayaan ko siyang umiiyak doon para sa Kuya niya?

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon