Chapter 28

31K 836 142
                                    

Chapter 28

            Nung gabi na iyon na nakapag-usap kami ni Alex, it was a chill night. It was nice dahil nag-hang out kami. We even snuck out dahil alam naming wala si Daddy at nagpunta kami doon sa park malapit sa bahay namin. Dahil gabi naman na, walang tao doon at solong-solo namin yung playground. Nakita ko na nakatingin na naman siya sa langit. Like he usually does—he loves to stare at the sky.

            I teased him nung nakatingin siya doon, “Are you guys really up there?” tinuro ko yung langit pataas, “Alam mo yun. Kami kasi dito, iniisip namin nasa langit kayo. God, angels, other beings…”

            Natawa lang siya. “I’m not up there, am I?” sinagot niya sa akin. “I’m right here with you.”

            Nasa taas na ako ng slide nun at naupo ako sa pinakatuktok. Si Alex naman, tumayo siya doon sa pinakababa at inaabangan yata ako mag-slide. Nag-slide naman ako kahit saglit lang at sinalo niya ako, and nostalgia hit me.

            “Nung bata ako dinadala ako ni Daddy dito nun. Dito kami naglalaro…” kinuwento ko kay Alex, “Yun yung mga panahon na close pa kami.”

            “Your dad loves you.” He told me.

            Tinignan ko naman siya, “Really?” sinagot ko naman sa kanya, “Almost 13 years na siyang ganyan sa akin. Walang time, masungit, hindi ako pinapansin…” I bit my lip while thinking about it, “Para akong nakatira mag-isa sa malaking bahay na yun. Sometimes I doubt kung talagang mahal ba ako ng Daddy ko.” I saw that he was about to say something pero hindi niya tinuloy. “Dati naman siyang masayahin nung nabubuhay pa si Mommy.”

            “Hey… hey…” he put his finger sa chin ko at pinatingin niya ako pataas, “If you ever need someone to talk to, I’m here. You know that.” Nginitian niya ako, “I am here… ALL THE TIME. Sa ayaw mo man o sa gusto.”

            Hinampas ko naman siya braso niya, “Alam ko. Hindi na nga kita ma—“

            Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang bumitaw si Alex sa akin at sinimulan na naman niyang hawakan yung ulo niya. He shut his eyes in force at parang may pinipigilan siya. He started screaming there in agony. Parehas na kamay niya yung nakahawak sa ulo niya habang sumisigaw siya.

            On top of all his screams, sinubukan kong lumapit sa kanya at sumisigaw na rin ako, “Alex anong nangyayari sa iyo?! Alex!!!”

            Nung una hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang shock ko. What the hell is going on?

            It took about a minute of screams bago ako nakalapit sa kanya. Hahawakan ko na sana siya nung bigla na lang niyang binukas yung mga mata niya, at tinabig niya ako ng sobrang lakas. “Don’t touch me!” sinigaw niya.

            Normally I wouldn’t have listened at hahawakan ko pa rin siya. But at that time, I backed off. Nakita ko yung mata niya. It was as if for a brief second, Alex was not there.

            “A-alex, yung mga mata mo…” I was reaching for him pero siya ang lumalayo, “I swear they were… full black earlier.”

            Nagsalubong yung kilay niya. He started shaking his head at lumayo siya sa akin. Bago pa ako nakalapit sa kanya, tumakbo siya like a regular human being. When he was a good distance away from me, he switched to his angel form, and he disappeared.

***

            “Anong mas maganda na isuot ko sa party ni Jax tonight?” tinanong ako ni Robin sabay pakita ng pictures na nasa phone niya, “Ito, o ito?”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon