Chapter 31

30.4K 908 171
                                    

Chapter 31

            I walked out of that hotel room wearing a ring on my right ring finger. Alex said it’s safe to put it on my right ring finger just so people won’t assume it’s an engagement ring. I couldn’t stop looking at it the whole time.

            Ito ba yung suntok sa buwan na tinatawag nila? Siguro nga. Parang ayaw ko ng isipin lahat ng problema namin ni Alex. Parang sa ngayon, ieenjoy ko na lang muna lahat ng atensiyon na binibigay niya sa akin.

            We went on a mini-date, I suppose you can call it that after kaming bigyan ng last minute tour doon sa hotel para doon sa function room na gusto kong i-rent para sa event ko. Nag-decide kami ni Alex na kumain dito sa isang lugar na puro desserts ang tinitinda—and they had this new thing na may promotion poster pa nila sa labas. Giant fortune cookie daw.

            “Fortune?” tinanong ni Alex doon sa babae doon sa dessert place, “Sinabi mo ba na may malaki kayong cookie na babasagin at may nakasulat sa loob? You’re going to tell me my fortune?”

            Sumagot naman yung babae kaagad, “Yes sir.”

            Napangiti lang si Alex doon na parang gusto niyang matawa, “Okay. I’ll try it out.”

            We ended up in this one small booth na korteng banana split at dala-dala namin yung tig-isang fortune cookie na binili namin. It’s so massive na parang hindi ko kayang ubusin. Curious lang naman ako kung anong nakasulat sa loob.

            Nasa tapat ko si Alex nun at todo-ngiti siya doon sa cookie na nasa harapan niya. “Bakit parang amused na amused ka?” tinanong ko naman siya kasi natutuwa lang din ako na natutuwa siya.

            “This is the first time that a mortal is going to tell me what my fortune is…” sinagot niya sa akin, “Don’t you think that’s fascinating?”

            Parang gusto ko ring matawa, hindi dahil doon sa cookie kung hindi sa description ni Alex ng “fascinating.” I’m glad, we mortals, can entertain angels like him.

            Nilagay niya yung cookie doon sa loob nung bag na binigay ng babae. Tumingin siya muna sa akin, gave the biggest smile, before he started punching the cookie para madurog. Talagang nakailang suntok pa siya bago siya tumigil. I’m pretty sure durog na durog na siguro yung cookie na nasa harapan niya. “Okay na yun! Basahin mo na!”

            Binuksan niya yung bag doon sa loob at hinila niya yung papel. He was reading it intently na para bang sineseryoso niya talaga yung nakasulat doon, “Sabi dito… ‘You will make heads turn.’” Binaba niya yung papel at sa akin parang na-confused, “That’s a fortune?”

            “Actually, hindi na…” sabi ko naman sabay agaw ko nung papel, “You’re doing that right now. Sa lahat ng lugar.”

            Umiling-iling siya sa sa akin nun sabay turo naman niya doon sa cookie ko na nasa bag, “Ikaw naman.”

            Turn ko naman para basagin yung giant cookie na binili ko at hinila ko naman yung nasa loob na papel. Alex was leaning on the table and he was resting his head on his hand. Parang interested din siya sa kung anong nakasulat doon sa cookie ko, “’You will fall in love with the person right in front of you’” I read out loud nung binuksan ko yung papel.

            “Talaga?” sinabi niya habang nakangisi pa siya, “Patingin nga?”

            Nung na-realize ko kung anong ginawa niya, binatukan ko naman siya ng hindi malakas, “Alex! Don’t alter mine!”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon