Chapter 46

21.8K 854 158
                                    

Chapter 46

            Lumabas naman siya at  may hawak na isang papel sa kanang kamay niya. Umupo siya sa harapan namin ni Trixie at tinignan niya lang yung papel uli tapos sa amin naman, “Sino sa inyo si Zoe Aldana?”

            “Ako po.” Tinaas ko naman yung kamay ko, “Kumusta naman po yung resulta?”

            “Are you familiar with the process?”

            Parehas kami ni Trixie na umiling sa kanya. Hindi naman kami health majors. Truthfully speaking, maybe I should have read a little bit about it para naman hindi ako mukhang tanga dito, “Process po ng ano?”

            Nilapag naman nung doctor yung papel niya. He clasped his hands at mukhang ready na ready na siya na mag-explain sa akin, “When a woman’s egg gets fertilized it attaches to the uterus. A few days after that process, a woman’s body produces a hormone called hcg—or the human chorionic gonadotropin.”

            Nakanganga pa si Trixie nun habang nakikinig doons a doctor, “Alam ko napag-aralan na natin to. Pero sa tagal na limot ko na…”

            Tumingin lang yung doctor kay Trixie at tumango lang, “After a few days, the number of hcg hormones double—it multiplies really fast. That hormone is what we detect in the urine or blood of a woman we suspect to be pregnant.”

            “Oh okay…” sinagot ko naman sa kanya, “So yung lab test ko po,  you’re looking at my hcg levels?”

            “Exactly.” Tinaas niya yung kamay niya at inabot niya sa akin yung papel na dala-dala niya kanina, “From what we found out, your hcg levels aren’t elevated and therefore, you are not pregnant.”

            Nagkatinginan kami ni Trixie nun at napatayo akong bigla. I didn’t really mean to  invade his personal space, pero hindi ko mapigilan yung sarili ko sa sobrang tuwa. I grabbed the doctor and I just hugged him really tight. “Talaga po? Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako pinasaya!” Tumingin ako kay Trixie nun, “Anong sinabi ko sa inyo? Kulit niyo kasi eh!”

            “Eh kasi naman!” nangatwiran pa si Trixie sa akin, “Sino ba itong moody tapos nasusuka at may kung anu-anong nararamdaman. Tapos kung may nangyari pa sa inyo ni Jax…”

            Ngumiti lang yung doctor sa akin. Siguro dahil nakita niya na masaya ako, masaya na rin siya para sa akin. “Sa totoo lang, maraming  dahilan para makaramdam ang isang babae ng iba’t ibang bagay. Stress, diet, anything can change hormonal levels, but it doesn’t mean you’re pregnant. Kung may nangyaring stressor sa iyo, usually naapektuhan yung katawan ng isang babae and that may be the cause.”

            We asked him all sorts of questions after that, pero nung natapos na yung business namin doon, lumabas na kami ni Trixie at sinabi ko na gusto kong mag-celebrate. Para akong nawalan ng tinik sa dibdib ko.

            I called Jax right after we got out at isang ring pa lang eh sinagot na niya kaagad yung cellphone niya na para bang nag-aabang lang siya ng tawag ko. I heard his voice on the other line, “Ano daw sabi? Anong resulta?”

            Hindi ko alam kung excited ba o ninenerbiyos si Jax nun. Ang bilis-bilis pa niyang magsalita. Parang nawala tuloy ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung yung sasabihin ko sa kanya eh good news or bad news. Did he want to become a father already? O hindi naman? “Jax…” I said in a very low voice, “I’m not pregnant.”

            There was this awkward silence pagkatapos kong sinabi yun. At first akala ko naputol yung linya, pero nung narinig ko na huminga siya, saka ko nalaman na nandun pa rin siya, “Oh.”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon