Chapter 10 "Tara na sa Japan"

5K 54 0
                                    

Si Juno:

After kong kunin yung naiwanan kong folder sa bahay  agad akong bumalik sa office. Kasama ko  si Morigan dahil inaayos niya yung mga kailangan ko for the meeting. Ni hindi ko man lang gaanong nakausap si Yssa kanina. Nagmamadali na kasi ako. Hayst.

Pagbalik ko sa office deretso nanaman ako sa board room for tanother meeting. Anak ng kabute! Wala na bang katapusan to!?!?

After 2 hours natapos din ang meeting. Naglalakad na kami ni Morigan pabalik sa office.

“ahm sir. Asan po yung mga gamit niyo? Para mailagay na po sa sasakyan.”

“huh? Anong gamit?”

“sir yung bagahe niyo po.”

“bagahe?”

 Napahinto ako sa paglalaked.

“sir, sinabi ko na po sa inyo 3 days ago na pupunta po tayo ng Japan today.”

“aw shit!” halos mabura na ang mukha ko kakahimas ko gamit ang palad ko.

“what time ang flight?”

“6pm sir”

“ay takte! 4:30pm na! tara na sa bahay. Sumama ka na para deretso na tayong airport.”

“yes sir.”

Dumeretso agad kami sa bahay. Nakita ko si Igo pero agad din namang umalis kaya hindi ko na kinausap. Pinaiwan ko muna si Morigan sa may sala.

Agad kong kinuha yung mga gamit ko. buti naman at biglang pumasok si Yssa sa room ko kaya naman natulungan niya ako sa pag-aayos.

“ahmm..Juno gaano kayo katagal sa Japan?”

“4days lang beb.”

“4 days??” nakita kong nagulat siya at nalungkot din. Kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“saglit lang naman yun beb eh. Mamimiss kita pero syempre kailangan ko din naman pumunta doon eh. Importante lang.”

“naiintindihan ko naman beb eh.”

“hmm..i love you beb.”

Hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko siya. Gusto ko pa sana magtagal pero nagmamadali na eh. Kaya after ayusin yung mga gamit. Umalis na kami.

Si Yssa:

4 days daw mawawala si Juno. Okay lang naman sana eeh kaso kasama niya yung mukhang asong ulol na yun!! Huhuhu..malamang gumawa siya ng paraan para maging close kay Juno!! Paano na to? Paano ba naman ako hindi mapapraning eh kasi kanina nakita ko si Morigan sa may sala.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now