Chapter 3 "Wedding of the Century"

6.7K 76 2
                                    

Haay..super taas na ng sikat ng araw paggising ko. andito nga pala ako sa bahay namin. Nagpahatid kasi ako kay Juno after that...that conversation.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago ako bumaba. Pagopen ko  ng door nagulat ako nang biglang pumasok sila Colleen at Sarah at niyakap ako.

“good morning mommy!” sigaw ni Colleen

“breakfast na tayo mommy gutom na kami” Sarah

“oo sige pero puedeng maligo muna si mommy? Susunod na ako”

“okay mommy. Sa baba na den muna kami.” Colleen

Humalik sila sa pisngi ko at pumunta na sa baba.

Haaay..andito ang mga bata. Andito din kaya si Juno? Actually hindi ko alam kung gusto ko siyang makita o hindi.

Agad na akong naligo at nagbihis then bumaba na ako. Umupo ako sa may dining at sumunod naman doon sila Colleen at Sarah. We all ate breakfast tapos si Colleen nakipag laro nanaman sa Guama(lola) at Guakong(lolo)  niya.

“mommy..nasabi na po sa amin ni daddy yung tungkol sa...” SArah

“ganun ba? Well..that’s your daddy’s decision wala na akong magagwa” ako

“pero mommy..” Sarah

“don’t worry Sarah..” hinawakan ko ang pisngi ni Sarah

“i’ll still be your mommy kahit naman hindi kami ikasal ng daddy mo”

Hinug ako ni Sarah.

“thanks mommy”

Tumayo ako at niligpit na ang pinagkainan namin. Dahil nga namman cancelled na ang wedding ko at wala akong gagawin ngayon. Tutulong ako sa pagmamanage ng business namin. Nagexpand kasi ang business namin. Nirenovate at nagkaroon pa ng 3 branches itong bakeshop namin. Super blessed kami!

Nung magiinventory na sana ako bigla naman akong pinigilan ng papa ko. dapat daw asikasuhin ko muna sila Colleen. Ang usapan kasi after 10 months saka ako magtatrabaho dito sa business namin. Ienjoy ko daw muna ang life!  Haay.kaya niyaya ko na lang na mamasyal ang mga bata.

Pumunta kami sa park. Pinanood ko namang maglaro yung mga bata.

Totoong masaya ako na kasama ko sila at mommy nila ako. I want to be with them. Kaya ayokong nagsosolo eh nagiging Emo ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

Flashback

“oh bakit ganyan ka makatitig?” Yssa

Kung makatitig si Juno grabe!!

 “Yssa...” Juno

Napakaseryoso ng mukha ni Juno. Hindi ko siya maread!

 “let’s cancel the wedding”

Halos magunaw ang mundo ko after hearing that! May nahanap na ba siyang iba???

“bakit? May iba..”

“wag kang mag-isip ng ganyan Yssa. You know that I love you so much.”

“then why?”

“i think you’re not yet ready for this”

“pero Juno. Wala ka bang tiwala sa akin? Super excited na nga ako sa..”

“pero Yssa. You’re too young. Madami ka pang maaachieve”

I felt so down! Hindi man lang naisip ni Juno na pumayag akong magpakasal  dahil alam kong ito ang gusto ko. ito ang dapat kong gawin dahil ganito ko siya kamahal!

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now