Chapter 20 "After.."

4.5K 59 2
                                    

After 4 years...

Si Ryu:

Lumipas ang apat na taon na parang wala lang sa akin. Feeling ko kasi wala na rin namang kwenta na mabuhay pa ako pero syempre tinupad ko lahat ng promise ko kay Katelyn maliban lang sa isa, ang magmahal ng iba.

Graduate na ako ng course na HRM. Ito kasi ang gustong course sana ni Katelyn kaso hindi na siya nakapag-aral dahil nga, alam niyo na. okay naman ang mga negosyo ko. tinuruan din naman kasi ako nila anya at achie.

Fruitful naman ang naging four years nila anya.

Sila mommy at daddy tuwang tuwa sa unang apo nila kay anya Fed. Sa sobrang tuwa nila niregaluhan nila ng yacht yung bata. Wirdo sila!! Kabata pa eh! Well, 3 years old na siya, si Felixto Jimson Rafael or si Baby JR.  Sana lang hindi to maging babaero paglaki. Tapos 7 months pregnant nanaman ngayon si Jasmin yun nga lang magkaiba ang religion nila ni anya kaya nagdesisyon silang wag na magpakasal.

Sila achie Yuki at Igo naman ayan kinasal na sila last year. Natagalan dahil pabago bago ang mga isip.pero at least natuloy diba? Hindi na dean ng school si Igo. May sarili na silang negosyo. Wala na ata silang balak na magkaanak. May edad na daw haha.

Si anya Juno at Yssa naman may isang anak na na lalake. 1 year old palang. Si Joaquin Inyigo Randolf Dominic or si baby Jiro. Pinaghalo ni anya yung pangalan naming tatlo at kay Igo. Pinagtripan lang ng dalawang yan yung pangalan.

Si Sarah college na at lumalovelife pa! pinayagan na kasi  ni Juno na maging sila nung Josh pero with PG parin as in Parental Guidance.

Si Colleen high school na. antakaw kasi ayan medyo chubby tuloy. Inenrol tuloy nila Juno sa madaming activities at sa gym.

Okay na silang lahat ano ending na?? haha..hindi pa. pagpasensyahan niyo na. may kwento pa ang main characters natin.

After 4 years ulit..

Dumating na kasi ang araw na kinakatakutan naming magkakapatid. Ang pagkawala nila angkong at amma. Okay na rin daw dahil pati nga apo nila tuhod nakita na nila. Natatakot kami dahil ito na ang hudyat ng gulo sa pamilya namin. Pinag-aagawan na ang lahat ng kayamanan ni agnkong pero dahil successful naman tong mga kapatid ko, hindi na nakialam sila daddy at mommy. Pero apektado kami dahil nga pati kami ginugulo nila. Gusto nilang kunin ang bahay namin na sinasabi nilang kay angkong daw pero ang totoo sila daddy ang sariling nagpundar dito. nagagwa nga naman ng pera. In the end wala rin silang nagawa. Makapangyarihan ang daddy ko at isa pa napatunayan ni daddy na kanya talaga tong lupa. Dumating din sa point na siniraan na nila ang kkumpanya namin para maangkin din to kaya nagalit na si dad. Nagbanta na siya ng gera kaya nagback out agad yung mga kapatid niya sa panggugulo. Marami kasing connections tong si dad kaya takot sila. Nung natapos yan.

Yung main characters naman ng storyang to ang nagkaproblema. Dumating na din ang araw na pinakakinakatakutan ni anya Juno.

Si Juno:

“huy anya bakit mo ba kami niyaya magstarbucks?  Eh ikaw nga tong tamad pumunta sa ganito?”

“oo nga. Nakain mo bro?”

“Juno, may problema ka ba?”

Niyaya kong magkape tong sila Ryu, Igo at anya Fed.

Humigop muna ako ng kape bago nagsalita.

“6 years old  palang si Jiro tapos college palang si Colleen at si Sarah kakagraduate lang.”

“oh ano naman?”

“hindi mo naiintindihan Igo eh. 28 palang si Yssa.”

“Ano ba gusto mong sabihin anya?”

Humigop ulit sko ng kape.

“ito na yung ayaw kong mangyari eh.”

“ano nga!?!?” naaasar na si anya Fed.

“ang mauna akong mamatay. Paano sila Yssa? Bata pa si Yssa.”

“ano ba pinagsasabi mo bro?”

“lagi kasi akong nakakaramdam ng pananakit ng tiyan...kahapon dinalaw ko si achie Yuki sa hospital niya at pinilit niya akong magpacheck up. Kasi nga sumakit nanaman...”

“diretsuhin mo na anya..”

Again uminom muna ako ng kape..

“please isikreto niyo muna to kay Yssa..wag niyo munang ipaalam sa kanya..”

Nagnod silang tatlo. Nasesense na nilang seryoso ang usapan na to..

"may Hepatocellular Carcinoma ako.."

"ano!?!?" sigaw nung tatlo.

“i have cancer...liver cancer..”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now