Chapter 23 "shopping"

4K 43 0
                                    

Si Yssa:

Andito na kami ngayon sa bahay nila Juno. May mga gamit pa naman kami dito kaya naman konti lang ang binitbit namin. Hinatid lang kami ni Juno dito sa bahay tapos umalis na siya nagmamadali nga eh.

Buti na lang at andito sila anya Fed at Jasmin at ang anak nilang si JR. may kalaro tuloy sila Jiro at Colleen. Itong si Colleen ang tanda na, mahilig pa rin makipaglaaro. Hay nako.

Nasa kusina kami ngayon ni sarah. Tutulungan niya daw ako magluto.

“mommy sorry ha.”

“ha? Bakit?”

“kasi, wala akong trabaho.”

“nge? Bakit ka naman nagsosorry. We have more than enough. Madami namang negosyo ang daddy mo tsaka ako. madami na din naman akong naipundar na negosyo.”

“ang totoo ayaw ko naman po kasing magtrabaho. Gusto ko pong magenegosyo. Parang kayo ni daddy.”

“odi maganda. Do what you want. Alam mo naman na susuportahan ka namin kahit anong mangyari.”

“thanks mommy. Oo nga po pala. kakaiba si daddy noh? Nagiging family guy siya ng husto ngayon.”

“oo nga eh. Napansin ko din. I have this feeling na may tinatago siya pero hayaan na natin. Importante masaya ang lahat.”

After magluto kumain na kami. tapos  pumunta kami ni Sarah sa Salon. Tuturuan ko siya sa mga bagay na dapat gawin. Atleast diba may tutulong na sa akin sa pagnenegosyo. Busy kasi si Juno sa opisina kaya medyo ako na rin ang humahawak sa ilang negosyo niya.

Buong week yun ang ginawa namin. Mabilis matuto itong si Sarah. 1 week nang  wala si Juno. Kumusta kaya siya? Nagtetext naman siya pero hindi siya tumatawag. Puro text lang talaga. Baka busy siguro. Papunta ako ngayon sa isang bar kung saan kami magkikita nila Nina at Sanji. Huling kita namin nung binyag pa ni Jiro. Pagpasok ko sa bar. Nakita ko sila agad. Ayan yung usual na batian ng mga ababe. Ang yakapan, beso at tilian.

“uy..bestie!! kumusta ka na?”

“okay naman ako. ikaw Sanj?”

“okay lang. eto. Loveless pa rin. Buti pa tong si Nina.”

“ano nanaman ginawa ko?”

“wala!”

“oh ikaw Yssa. Ano balita sayo?”

“ako? ito, nagosyante parin. And i’m 2 months pregnant!”

Kkkkyyyyyyyaaaaaaa...halla nagsigawan na silang dalawa at niyakap ako.

“Yssa ha, ikaw..baka naman lagi mong pinapagod yung asawa mo.” Sabay siko sa akin ni Sanji

“loko! Hindi noh! Busy si Juno sa trabaho. One week na siyang hindi umuuwi.”

“one week? Halla! work ba talaga? Baka may iba..”

Binatukan ko si Nina.

“baliw! Wala noh! Busy lang talaga. Tsaka andyan siya sa office niya. Hindi lang siya umuuwi dahil madami siyang tinatapos tsaka  hassle sa kanya.”

“kelan pa naging hassle ang paguwi sa bahay? Tsaka hello.  Anjan lang siya sa office niya. Bakit naman siya tatamarin umuwi?”

“diba lagi naman busy yun? Bakit ngayon ayaw umuwi?”

“may point kayo. Pero kasi..”

“alam ko na! kung ayaw niya umuwi.bakit di na lang ikaw ang magdala ng bahay sa kanya.”

Binatukan namin ni Nina si Sanji.

“masakit yun ha!! Ang point ko. bakit hindi kayo ng mga bata ang pumunta sa opisina?”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now