Chapter 12 "Zutto Futaride"

5.2K 61 1
                                    

Si Yssa:

Gumala muna ako, ayokong magkulong sa kwarto eh. Saglit lang naman tsaka hindi ako masyadong lalayo. Ansarap maglakad sa mga daan dito. ewan ko pero medyo nakakarelax. Hindi naman sana ako magkakaganito kung nasa office nga talaga si Juno. Andami kasing gumugulo sa isipan ko eeh.

Nagpunta  ba sila ng Japan para gumala? Pinlano ba ni Juno at Morigan to? Date ba nila to? Bakit kailangang itago sa akin ni Juno na ex niya siya? Bakit ang sweet nila kanina? Mahal pa kaya nila ang isa’t isa? Well alam ko si asong ulol may gusto pa sa asawa ko. pero si Juno. Mahal niya pa kaya? Sa kanya mismo nanggaling na imposibleng walang magkagusto kay Morigan. Well, maganda talaga siya at sexy pero kasi naman. Asawa ako ni Juno! Huhuhuhu..

Pagtingin ko sa paligid ko. ay teka! Asan na ako?? Saan ba ako galing kanina? Sa left o sa right? Bakit kasi ang lalim ng iniisip ko!! Bahala na nga! Naglakad pa ako nang naglakad pero huhuhu..hindi ko alam kung asan ako. Kinapa ko yung bulsa ko pero wala pala yung cellphone at wallet ko. binigyan ako nila anya ng cellphone at Japanese Yen eeh. Huhuhuhu...saan na ako pupunta? Asan ba ako? Juno!!!

Lakad lang ako nang lakad nang biglang may humawak sakin mula sa likuran! Tinakpan niya ang bibig ko. tulong!!! Ayoko maging hostage!!!

Si Ryu:

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakita ko sila achie Yuki at Jasmin na may mga kasamang iba. Well pati si anya Juno. Hanggang ngayon ginugulo parin ako nang mga yan! Nasa Japan ako kasama si daddy. Dahil nga 21 na daw ako kailangan ko nang simulan na matutunan lahat ng ito.

Ako ang pinapunta sa mga meetings pero kasama si daddy syempre. Lahat naman kami fluent sa Japanese kaya naman hindi ako masyadong nahirapan. Ang alam ko si anya Juno talaaga ang bahala dito pero dahil nga on training ako eeh ako ang nandito. Pero bakit nga ba andito si anya Juno sa Japan???

Magulo ang mundo! Hahayst! After nang meeting naglunch kami nila mommy at daddy. Si Katelyn nga pala andun sa rest house nila. Namiss niya daw yung lola niya eeh.

“ah..mommy, bakit pala andito si anya Juno kung ako naman aatend ng meeting?”

“ahh..well i want your onii-chan(brother) to have atleast 4 days of vacation. Puspusan kasi ang trabaho niya ngayon. Nag-iipon daw for Yssa.”

“huh? Kay Yssa?”

“matanda na daw siya. Dapat madami siyang ipunin. Para pagwala na daw siya may pera ang family niya.”

“sus! Adik ni anya!!! Hahaha..”

“hindi. Inlove lang talaga. Diba mommy?”

“pero mommy bakit hindi niyo sinama si Yssa?”

“oo nga no. sayang naman.”

“sabi ng mga tauhan natin andito daw sila. Sumunod dito sila Fed, Igo at Yssa.” Singit ni daddy.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now