Chapter 26 "JUNOSSA Part 1"

4.3K 54 1
                                    

Si Nina:

Papunta kaming Baguio ngayon. Ako, si Sanji, si Yssa at ang boyfriend ko. sabi ko kasi sa kanya ikakasal kami sa Baguio kaya dapat pumunta siya pero ang totoo napagutusan lang kami. kailangan naming dalhin si Yssa sa Baguio dahil may surprise birthday party  si Juno dun.

Naaawa ako kay Yssa kahit alam kong hindi dapat. Mahal siya ng asawa niya at alam kong mahal niya din ang asawa niya. Pero hindi lahat ng bagay sabi nga nila ay laging happy ending. Minsan, may mga bagay na masaya masyado at kailangan nang tapusin. Nakakalungkot na mangyayari ito pero wala naman akong magagawa kundi magpakatatag para kay Yssa.

Nagkatinginan kami ni Sanji sa may mirror signal na para sa plano. Yung boyfriend ko kasi ang nagdadrive kaya nasa harap ako. nasa backseat naman sila Yssa at Sanji.

“Yssa! Try mo tongg juice masarap!”

“ha? Ayoko hindi pa ako nauuhaw tsaka baka maihi ako sa byahe natin.”

“sus! Try mo na Yssa!”

Kinuha ni Sanji yung lalagayan na hawak ko tapos kumuha siya ng baso at nilagyan yun ng juice.

“try mo na Yssa..ako nagtimpla niyan. Diba honey?”

Alam din ng boyfriend ko ang plano.

“oo honey..”

“oo na eto na. ang kulit eeh!”

Ininum niya na yung juice at ayun after  3 minutes, tulog na siya! Oras na para mag-iba ng ruta. Hinito namin yung sasakyan. Ang totoo kasi nasa likod lang namin sila Ryu, Fed at Juno. Convoy kami.

Bumabas si Juno at sinilip si Yssa. Hinawakan niya ang pisngi nito. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

“i’m sorry beb..matulog ka muna ha..”

lumipat kami ng boyfriend ko sa likuran ng sasakyan at hinila si Sanji sa passenger’s seat. Lumipat kasi sa sasakyan namin si Ryu. Siya ang magdadrive. Hindi naman kasi kami pupunta ng Baguio. Doon daw kami sa family rest house nila sa Ilocos.

Si Juno:

Nung huminto na yung sasakyan nila Yssa, alam na namin na okay na. kaya naman bumaba na kami at lumipat sa sasakyan nila. Gusto din nung mga bata na lumipat pero piniglan na namin baka kasi magising nila si Yssa kayaa naman ako na lang at si Ryu ang lumipat.

Katabi ko ngayon si Yssa. Isinandal ko siya sa dibdib ko habang natutulog siya..hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya..kahit natutulog siya..ang ganda niya parin..mahala na mahal kita Yssa..

========

(Ito po ang POV ni Juno nung una niyang makilala si Yssa...:D)

Nafeature kami noon sa ilang mga magazine. Ako, si anya at si Ryu. Tapos may magazine pa na solo ako at nabansagan akong Junolicous! Anak ng kamote! Sino naman kaya nakaisip nun???

Pupunta kami ngayon sa school kung saan Dean si Igo. Pero natunugan nila yung pagpunat namin kaya yung principal ng high school, inimbitahan kaming magtour.

Tinignan namin yung building ng high school tapos nagkukwento yung principal kaya umalis muna ako. boring! Grabe! Lahat ng estudyante nagtitilian sa amin tapos pinapanood bawat galaw namin.

Nung napagod na akong maglakad, pabalik na ako kina anya nang biglang may bumangga sa akin. May mga nalaglag siyang magazine kaya naman tinulungsn ko na.pero syempre may sermon!

“Tumingin ka nga kasi sa dinadaanan mo! Tanga ka ata!” inabot ko sa kannya yung magazine kaso ayun napatitig na sa akin. “huy!” hindi siya sumagot kaya naglakad na ako palayo.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now