Chapter 11 "Asan si Yssa?"

4.9K 59 0
                                    

Si Juno:

Pagkagising ko nag-ayos agad ako at pumunta na sa resto. Napag-usapan kasi naming anim na gumala nga ngayon diba?

Pumunta kami samay Mt. Fuji ito naman kasi ang gusto nilang makita. Anyways nagpicture picture  kami tapos medyo tinitigan pa nila ang Mt. Fuji. Ewan ko ba. Pumunta sa tabi ko si Morigan at may tinapat na camera sa amin. Nagsmile naman kami at ayun tinake niya na yung photo naming dalawa.

Pagalis namin dun pumunta kami sa isang park na puno ng cherry blossoms at nagpicnic. Ewan ko ba pero gusto magpicnic ni achie eh. Okay naman dahil tuwang tuwa sila Morigan sa cherry blossoms.

“ang cute naman dito hehe..” nagulat ako nang biglang magsalita si Morigan. Naiwan kasi kaming dalawa dito sa may blanket. May pinuntahan yung apat eh.

“yup. Isa to sa mga lugar na gusto kong dalhin si Yssa. Matutuwa yun.”

“talaga? Napakaswerte naman ni Yssa sayo.”

“huh? Bakit?”

“grabe ka kasi kung magmahal Juno. Halos lahat nang puede mong ibigay binigay mo na.namiss ko tuloy bigla.”

“gusto ko kasi mapasaya yung taong mahal ko. teka anong namiss mo?”

“yung tayo..hehe..pero tapos na yun.”

“ikaw talaga..wag ka nga ganyan!” shit ano daw yun!?!?

“hehe..pero totoo. Namimiss ko yung dati, yung kulitan natin mga ganung bagay.”

“sus! Puede parin naman eh pero bilang magkaibigan.”

“oo..yun naman yung sinasabi ko.”

“haha..okay. sorry naman.”

Shet! Awkward! Alam niyo yun? Oo nga pala. ex girlfriend ko tong si Morigan. Actually siya ang first girlfriend ko pero matagal na yun. High school pa kami. 13 pa lang ata kami nun.  Well tumagal din naman kami ng 3 years pero we broke up. Mga bata pa kami nun eh. Di pa namin alam yung mga salitang commitment at pag-ibig. So we ended up becoming friends.  Hanggang ngayon friends na lang kami. yun lang yun wala nang iba.

After a few minutes bumalik na sila achie at  kumain na kami. naglakad lakad  na kami after ng picnic. Sa pero grabe1 andaming tao! Nasiksik tuloy kami. napasigaw naman bigla si Morgian kasi nga hindi siya makaalis dun sa pwesto niya so I held her hand at inakabayan ko na siya para hindi na siya mahagit ng tao. Nagkita kita naman kami doon na samay maluwag na daan. Tulad nang ginawa ko nakaakbay narin si Michael kay Yuki at si Gino din kay Jasmin.

Natawa ako bigla.

“Huy Juno nababaliw ka na?” tanong ni achie

“natawa lang ako sa nangyari. “

“sus, ikaw Juno angg ewan mo!” sabi ni Jasmin sabay palo sa balikat ko.

Next naman pumunta kami sa isang theme park. Sumakay kami nang kung anu-anong rides. Haay grabe napagod ako!! After sa theme park pumunta kami sa isang restobar (restaurant + bar) at doon nagdinner. Tapos nagalaakad nanaman kami pabalik ng hotel.

Si Yssa:

Nandito kami ngayon sa may mount Fuji. Wow ang ganda dito!! haaayst...pero hindi ako makaconcentrate kasi sinisilip namin ngayon sila Juno. Bakit ganun? Parang nagdedate lang sila Juno tapos si achie Yuki may kasamang lalake pati na rin si Jasmin. Mukha silang may triple date. Tapos itong si asong ulol lumapit pa kay Juno para magpicture silang  dalawa!! Asar!!

After naman dun naglakad lakad na sila. Kami naman parang mga timang na nagtatago sa mga poste para hindi nila kami makita. Pumunta sila sa isang parang park na andaming cherry blossoms. Waah..ang ganda dito!! buti na lang at naupo sila samay tapat ng isang puno kaya naman nasa kabilang side kami nung puno.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now