Chapter 17 "Ricsha"

5.1K 60 1
                                    

Kinailangan kong umalis eeh. Lahat sila ayaw na sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan ba dapat pero naglakad lang ako ng naglakad. Naisip kong umuwi sa amin pero siguradong ibabalik lang nila ako kay Juno. Hindi naman puede kina Nina at Sanji. Nakakahiya naman sa parents nila. Bahala na nga!!!

Naglakad lang ako ng naglakad. Tapos umatake nanaman ang katangahan ko kaya naman natapilok ako. Andami pa namang tao. Nakakahiya!!! Ang sakit ng tuhod ko. tapos tumama pa yung tiyan ko dun samay pavement.  tatayo na ako pero may biglang tumulong sa akin.

“sabi ko na nga ba ikaw yan Yssa eh.”

Napatingin ako dun sa lalake. teka sino to?

“hindi mo ba ako naalala? Ako si Sam. Yung barkada ni Juno.pinakilala niya ako noong wedding niyo eh.  Asan pala si Juno? Bakit ka mag-isa?”

“ahmm...wala..sige una na ko..”

Aalis na sana ako kaso ang sakit ng paa ko hindi ako makalakad tapos masakit yung puson ko. sobrang sakit...nanghihina ako!

“halika buhatin na kita. Hahatid na kita kina Juno.”

“wag!”

“huh? Bakit? Baka nagaalala na yun.”

“hinid, ayaw niya na akong makita..”

“mukhang may problema kayo pero saka nayan! Ahm..dumudugo ka!”

“huh?”

“dinudugo ka nga!”

Hindi ko naintindihan pero pagtingin ko samay legs ko punong puno ng dugo!  Hindi ko alam kung anong gagawin ko. bigla na lang akong binuhat ni Sam at dinala sa hospital.

Naramdaman ko na ang panghihina kaya naman nawalan na ako ng malay.

Paggising ko umaga na. nasa hospital room ako at may kung anu-anong nakakabit sa akin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may importanteng nawala sa akin. Para bang may biglang nagkulang sa akin.

Pumasok na si Sam dun sa room ko.

“uy gising ka na pala. ahh..honey gising na si Yssa oh.”

Honey? Pumasok yung babae sa room. Teka kilala ko tong babaeng to!! Siya tlaga to eh. Honey daw? Naguguluhan na ako!!!

“Morigan??”

“hi Yssa.”

“te..teka.. honey? So kayo ni Sam?”

“magasawa kami!” singit ni Sam

“eh akala ko ba..may gusto ka pa kay Juno?”

Tumawa nang malakas yung dalawa.

“huy nangyar i senyo?”

“kasi po ganito yan..nagpustahan kami nila Fed kung gaano ka kamahal ni Juno. Inakit na ni Morigan tong si Juno. When they kissed aba lumayo agad si Juno. Haha..”

“ano??”

“pinagtitripan ka lang namin Yssa okay? Kaibigan ko si Juno. Hayaan mo na yung kiss. Di na importante yun. Wala lang yun. Tsaka may Sam na ako ngayon noh.”

Hindi ko parin talag sila naiintindihan.

“ahmm..Yssa” biglang sumeryoso yung mukha ni Morigan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“bakit?”

“ahm..were you expecting something?”

“wala naman. Bakit?”

“ahh..kasi..actually Yssa, diba dinugo ka.”

“oo pala...may sakit ba ako?”

“ahmm..Yssa tatagan mo sana ang loob mo. Kasi..you were 4 weeks pregnant. And dinugo ka. wla na yung bata.”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now