Chapter 9 "Heartaches"

5.2K 53 2
                                    

(Chapter 22 po of Mr. Perfect ang story nila Yuki and Igo :D)

Si Yuki:

Haaayy..2 years na! 2 years na ang nakalipas simula nung naging kami ni Igo. Okay naman ang lahat. Pero ngayon hindi ko alam kung okay parin. Nasa sasakayan kasi kami ngayon at papunta sa restaurant kung asan si Beatrice ang dating asawa ni Igo at ang mga anak nila. Ang totoo natatakot ako dahil baka bumalik ang feelings niya for Trics. Kahit naman kasi sabihin niyang ako ang mahaal niya eh diba iba parin yung pinagsamahan nila ni Trics. Haay ewan na paparanoid ako.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Igo ang kamay ko. kaya naman napatingin ako sa kanya.

“babe, you okay?”

“yeah..okay lang ako.”

“wag ka nga matense dyan. Mabait naman yung mga bata tsaka diba friends naman kayo ni Trics.”

“oo..okay lang talaga ako.”

“sigurado ha?”

“oo” kulit naman!

“okay. Andito na tayo.”

Pagtingin ko andito na nga kami. bumaba ako ng sasakyan at hinawakan ni Igo ang kamay ko habang papasok. Grabe! Habang papalappit kami sa table nila Trics eh mas lalo akong kinakabahan. Ano ba naman yan!!

Syempre super happy nung mga bata nang makita nila si Igo. Nagyakapan sila at syempre may yakap din si Trics galing kay Igo. Nagbeso naman kami ni Trics. Naupo na kami at umorder. Pero shit lang! kinakabahan ako! Ewan ko kung bakit!! Super awkward kasi ng feeling eeh!! Imagine yung ex-wife (oo naapprove ang divorce papers nila Igo. Sa US naman kasi sila nagpakasal eh.) ni Igo at yung current GF  niya eeh magkaharap ngayon!?!? Hello!?!?

Buti naman at dumating na yung food namin. Super na aout of place na ako! Nagchichikahan kasi sila tungkol sa mga bata eeh. Ano naman isisingit ko diba!?!?

“ahhmm..kumusta ka naman  yuki?”  halos mabilaukan naman ako nung bigla akong tanungin ni Trics. Napaubo tuloy ako.

“ayos ka lang babe?” hinihimas ni Igo yung likuran ko.

“yeah okay lang ako. Ahmm..ayos naman ako. Ikaw Trics?”

“i’m good. So kumusta naman kayo ni Igo?”

“ahh..okay naman. Masaya.”

“that’s great! nakakatulog ka ba ng maayos?”

“huh?” ano ibig niyang sabihin??

“alam mo kasi itong si igo malakas humilik pagnatutlog yan..haha..”

Napsmile lang ako.

“uy grabe naman to..hindi aah!!”

“oo kya!!”

“hindi!! Wag ka maniwala dyan babe..”

Inakabayan naman ako ni Igo at nagsmile ulit ako. Biglang nagplay yung favorite song ni Igo ang Jet Lag by Simple Plan. Magsasalita sana ako kaso nauna so Trics.

“uuuy! Igo favorite song mo oh!! “

“oo nga eh!”

“naalala mo nung kinanta natin yan sa school dati??”

“aah oo nga! Nakashades pa ako kahit nasa loob tayo ng gym!”

“haha..oo nga eeh..ang weird mo kasi.”

“hindi kaya!! Eching ko lang yun!!”

“wow eching!! Haha”

Shit! Yun lang po masasabi ko!! alam mo yun as in total OP ako!!!

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon