Chapter 22 "Magic Mushroom"

4.4K 52 1
                                    

“hindi naman korny eh. Juno, alam mo namag hindi ko kayang wala kka sa buhay ko. hindi ko kayang mawala ka sa akin. Promise me, dito ka lang sa tabi ko. hihintayin pa natin si Jiro na makapag-asawa diba? Tapos si Sa...”

Paano ko ba tutuparin to Yssa?  Hindi ko alam kung kaya ko pa..kung kaya ko pang mabuhay ng matagal..

Sinundan ng daliri ko ang ilong ni Yssa..natutulog pa siya sa tabi ko..

Natatakot ako na tuluyan na akong ilayo ng sakit ko sayo. Ikaw at sa mga bata..Yssa, i’m sorry kung hindi ko ata matutupad to. Yssa, i’m so sorry..

Tumayo na ako at pumunta sa labas. Nararamdaman ko nanaman yung mga luha ko. nakakabakla pala ang magkasakit. Lagi ka na lang naiiyak dahil sa sakit at takot na may maiwan ka. hindi ako takot mamatay dati pero ngayon, natatakot akong iwan agad si Yssa. Jiro is just 6. Lalaki siya ng wala ako. si Sarah at si Colleen bata pa sila. Bakit ako pa ang nagkasakit ng ganito? Bakit napakaaga? Bakit ngayon pa? 8 years palang kaming kasal ni Yssa. 8 years..

Lumabas ako sa may garden at tinignan ang buong bahay. May sarili na kaming bahay nila Yssa. Ako ang engineer at architect nito at siniguro kong maganda at maayos ang pagkakagawa nito. Hindi siya sing laki ng bahay namin pero malaki din naman. Mga kalahati siguro ng bahay namin. I did everything to give my family the best life they could ever have. Siguro nga tama sila mommy. Naging OA ako at nagpakasubsob sa trabaho na nakalimutan ko nang ingatan ang sarili ko. nakalimutan ko nang isipin ang sarili ko para sa pamilya ko. hindi ko man lang naisip na mas kailangan nila ang presence ko kesa sa mga binibigay ko sa kanila. nagkamali ako..it’s too late..patawarin mo ako Yssa..

Hindi ko napansin na andun na pala si Yssa. Narealize ko lang nung niyakap niya ako.

“may gumugulo ba sayo Juno? Hindi ka ba makatulog?”

Umakbay ako sa kanya at ngumiti.

“wala naman, naisip ko lang. medyo matagal akong aalis eh. Kung puede dun muna tayo sa bahay para naman may kasama kayo ng mga bata. Tsaka miss nadin naman kayo nila mommy.”

“sabagay. Okay lang sa akin. Sure ako matutuwa ang mga bata.”

Niyakap ko ng mahigpit si Yssa.

“beb, mamaya sunduin kita ha tapos tayo na ang sumundo sa mga bata. Si Sarah, ayaw daw dun sa trabaho niya. Hindi naman na papasok kaya isama mo siya sa shop. Sabi ko tulungan ka na lang niya magnegosyo at tuwang tuwa siya.”

“hehe..sige beb..alam mo naninibago ako sayo..para kang kumain ng magic mushroom.”

Nagsmile lang ako..

“magic mushroom?”

“oo, andun yun sa story book ni Jiro. Yung magic mushroom na yun pagkinain mo magbabago yung tao. Parang ikaw, ngayon bigla kang nagbabago. Mas nabibigyan mo na kami ng oras mo. Sobrang natuwa si Jiro nung hinatid mo siya sa school kahapon.”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now