Chapter Thirteen (Part II out of III)

24.3K 789 56
                                    

"Mag-usap tayo."

"Inaantok na ako."

"We're not going to sleep without talking this thing out."

Bumuntong-hininga siya. "Pag-usapan na lang natin mamayang paggising natin." She was tired. Mas gusto niyang matulog na lang sa ngayon.

Pinisil nito ang kanyang braso. He sighed. "I'm sorry." Humiga ito sa kanyang tabi saka yumakap sa kanya. Her body stiffened. At mukhang naramdaman nito iyon pero lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. "I love you."

Fucking asshole, she wanted to blurt out but instead she said "Thanks. I love myself too."

Another sigh came from him. His arms stayed wrapped around her waist.

Nakatulog silang dalawa nang ganoon.

Tanghali na nang magising siya at wala na ang lalaki sa kanyang tabi. Mayroon itong iniwan na maliit na note sa nightstand.

We'll talk when I get home.

Iyon lang. Wala ring I love you. Napairap siya sa sulat. Bakit ba hinahanap pa niya ang mga tatlong salita na iyon?

Kaharap niya ang inihain sa kanyang breakfast brunch pero hindi niya iyon magawang galawin. Sinubukan niyang kainin pero pinaglaruan lang niya ng tinidor ang pagkain niya. The thought of Reuben cheating on her really ruined her appetite.

"I'm fucking stupid," sambit niya. Kanina pa niya iniisip iyon.

Walang malinaw na dahilan sa kanya kung bakit siya pinakasalan ni Reuben o bakit siya nito tinutulungan. Ang naisip niya lang noon ay marahil nga gusto talaga siya nito pero ngayon, parang hindi na siya nakakasiguro. Baka mabilis itong nagsawa sa kanya. Baka rin napag-isip-isip na nitong tama ang ina nito. Those ideas were driving her crazy. She wanted to kick and scream and break some things to release her frustrations. But she remained seated on her chair, playing with her food while enduring the loud unfriendly thoughts in her head.

Maybe this is another failed relationship, she thought to herself. A heavy feeling of sadness tightened her chest because she really really liked Reuben.

Kinahapunan ay may iniabot sa kanyang sobre si Chuchay. May nagpadala raw niyon para sa kanya. Hawak ang sobre, umakyat siya sa kwarto nilang mag-asawa saka iyon sinuri. Walang pangalan kung kanino iyon nanggaling. Pinunit niya pabukas ang sobre at halos mabasag ang puso niya nang makitang mga larawan iyon nila Reuben at Carmen.

In the photos, Reuben was wearing the same clothes he wore last night when he got home. Mga larawan iyon na kinuha lang kagabi. Nakakawit ang braso ni Carmen sa braso nito. Nakangiti silang dalawa sa isa't isa at mukhang nagkakasiyahan. She shuffled the pictures in her hands. There was a shot wherein Rueben's hand laid flat on Carmen's bare skin on the back of her gown. Just thinking where else his hands touched the other woman caused jealousy and anger to churn in the pits of her stomach. She can almost taste the bitter vile in her tongue. Tiningnan pa niya ang mga sumunod na larawan. Parang photo storytelling iyon na ipinakita ang pagsakay ni Carmen sa kotse ni Reuben, hanggang sa maihatid ito sa lugar na mukhang harapan ng bahay nito, hanggang sa makita niya sa sumunod na larawan na naghahalikan na ang dalawa.

Mapait siyang tumawa.

Gusto niyang sumugod sa opisina ni Reuben, magwala at ihilahod sa sahig ang mukha ni Carmen. But that would be too degrading isn't it? Not only for Reuben and Carmen, but for her too. So no, she wouldn't make a scandal there. Malaki rin naman ang utang na loob niya kay Reuben dahil tinulungan siya nito noong mga panahong kailangan na kailangan niya ng tulong kaya kahit galit siya ngayon ay hindi niya gagawin na eskandaluhin ito sa sarili nitong gusali.

Tulad ng mga nakaraang-araw, umuwi sa dating oras si Reuben. Ang kaibahan lang, hindi niya ito sinalubong ngayon. Bagkus ay hinintay niya itong pumasok sa kwarto nila. Nakaupo siya sa kama nang buksan nito ang pinto saka pumasok. Hindi niya ito pinansin. Hindi niya ito nilingon unabes. Kahit nang maramdaman niya ang paglapit nito ay hindi siya umimik. Nang tangkang hahalikan siya nito sa pisngi, doon siya gumalaw para itulak ito. She doesn't want those sinful, lying, cheating lips on her skin!

"Galit ka." It wasn't a question but a statement.

She angrily threw the photos on his chest. Nahulog ang mga iyon sa sahig. Sumilay ang pagkabigla sa mukha nito nang makita ang mga larawan pero mabilis din iyong naglaho. Isa-isa nitong pinulot ang mga larawan. Kalmado ang kilos nito na para bang nagpupulot lang ng kalat.

"You don't believe this, do you?"

Napasinghal siya. "Ewan ko, Reuben? Hindi ako magaling mangilatis ng photoshop," sarkastiko niyang tugon.

"They're not what you think they are."

Seducing the Billionaire [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now