Chapter Nine (Part III out of III)

41.1K 1K 64
                                    

* * *

Makayaring mag-umagahan ay gumayak na sila para sa pagbisita sa ospital. Suot niya ang mga biniling damit ni Reuben kahapon. Naging considerate naman ito at pinayagan siyang huwag munang pumasok sa trabaho. Dumaan muna sila sa grocery para bumili ng mga prutas. Pagkatapos ay dumeretso na sila sa ospital.

Gising na ang ina at anak niya nang dalawin nila. She ran to her mom and child, then carefully hugged and kissed the two. May nakakabit pa rin na oxygen mask sa dalawa pero mukhang mas masigla na ang mga ito lalo na nang makita siya.

Umupo siya sa tabi ng ina para kausapin. Reuben, on the other hand, sat beside Maja and talked to the child.

"How do you feel, Ma?"

"Masakit." Iminuwestra nito ang mga parte ng katawan na nakabenda. "Binigyan na nila ako ng pain killers, pero masakit pa rin."

"That's better, Ma. Kesa naman tuluyan kang nasunog doon sa loob ng bahay. I'm glad you and Maja are awake now."

Lumungkot ang mga mata nito. "Kamusta ang bahay natin, anak?"

Ayaw niyang sabihin na tuluyan na iyong nasira at kakasuhan pa sila ni Aling Miranda. "Ma, pwede bang sabihin niyo sa akin kung ano'ng nangyari?"

Umapaw ang mga luha nito nang magsimulang magkwento. "'Yung TV natin, bigla na lang nagliyab. Nataranta ako kaya nagkamali akong buhusan ng tubig. Lalong umapoy hanggang sa mabilis nang kumalat yung apoy. Inilabas ko na si Maja. Bumalik ako sa loob para magsalba ng ilang gamit. Hanggang sa hindi ko namalayan na sobrang laki na pala ng apoy. Nahirapan na rin akong huminga dahil sa usok. Tapos si Maja...si Maja sumunod sa loob. Umiiyak siya, sumisigaw, hinahanap ako. Pilit niya akong hinila kaya kahit 'di na ako makagalaw nang maayos dahil sa mga paso ko, pinilit ko pa ring makalabas para mailigtas siya. Sorry, anak. Ang tanga-tanga ko. Dahil sa katangahan ko kaya lumala yung apoy. Dahil din sakin kaya pati si Maja nagkaroon ng mga paso sa kamay." Humagulgol ang matanda. "Sorry, anak. Sorry talaga."

Hinagod niya ang likod ng ina. Pinigil niya ang pag-apaw ng sariling mga luha. "It's okay, Ma. Ang mahalaga nakaligtas kayo. 'Wag mo sisihin ang sarili mo. Nagpanic ka lang."

"Hindi mo pa ako sinasagot. Kamusta 'yung bahay?"

She hesitated to tell the truth, pero ayaw naman niyang magsinungaling at itago ang totoo. Mukhang mag-aalala lang din nang husto ang ina niya 'pag hindi niya sinabi ang nangyari.

"Wala na, Ma, 'yung bahay. Pinapabayaran din sa atin ni Aling Miranda lahat ng nasira kundi ipapakulong niya raw tayo."

"Diyos ko po!" Lalo itong humagulgol. "Paano na tayo n'yan, anak? Kakaunti pa lang ang naiipon mong pera—"

"Mama, don't worry about it!" agap niya bago pa ito tuluyang mahirapang huminga. "Sabi ni Reuben tutulungan niya tayo."

"Pero paano? At saka nakakahiya anak. Boyfriend mo pa lang 'yan," pabulong na mungkahi nito.

Pabulong din siyang sumagot. "Ang totoo n'yan, Mama, gusto raw niya ako pakasalan. He's willing to help us. Handa rin daw siyang tumayong ama ni Maja."

Namilog ang mga mata ng matanda. "Nabuntis ka na ba niya?"

"Mama, naman! Hindi!"

"Kung gano'n, mabuti na gusto ka niyang pakasalan. Alam kong kailan lang kayo nagkakilala, pero mukhang mabuti naman ang intensyon niya sayo. Handa siyang pakasalan ka kahit may anak ka na sa ibang lalaki. Willing pa siyang maging ama kay Maja at gusto niya tayong tulungan. Gusto mo rin naman siya, 'di ba? Nasa tamang-edad ka naman na, anak. Kung nakapagdesisyon ka na na gusto mo, ayos lang sakin. Gusto ko naman si Reuben para sayo."

Seducing the Billionaire [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now