Chapter Six

66.2K 1.5K 116
                                    

CHAPTER SIX

Last night, hindi siya tinigilan ni Maja nang kakatanong tungkol kay Reuben. Marami itong naging tanong at isa sa mga iyon ay kung ang lalaki ba ang tatay nito. Hirap siya na sagutin iyon lalo na dahil nahuli pa sila nitong naghahalikan.

"Gusto mo ba siyang maging daddy?" biro niyang tanong dito kagabi.

Tumango si Maja at masiglang sumagot ng "Yes, mommy!" The child liked Reuben because she thought he was genuinely kind. Kung alam lang nitong nagkaroon ng rason ang ina nito na sampalin ang lalaki, hindi siguro nito iyon maiisip.

She had a hard time putting her daughter to sleep. Pati kung kailan babalik ang lalaki roon ay gusto nitong alamin.

Maja seemed really interested about him being her daddy. Malaking problema iyon para sa kanya. Alam niyang darating at darating din ang oras na maghahanap ito ng ama. At habang nagkakamuwang ito, nagsisimula na rin nitong hanapin ang isa pa nitong magulang.

She never told her daughter the truth about her biological father. She didn't have the courage to break her daughter's heart at such an early age. Ang sabi niya sa anak ay umalis lang ang ama nito at nagpunta sa malayong lugar para magtrabaho para sa kanila. The child believed, unaware that all the financial support she gets was all from her mother's blood and sweat.

Iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi niya ipinakilala noon sa anak ang nobyong si John. Naniniwala pa rin ang anak niyang nasa malayo lang ang ama nito at hindi sila iniwan. She didn't want her daughter to mistake other men she dated to be her father.

Kahit kailan ay hindi niya inilihim kay John o sa iba na may anak na siya. Si Maja lang ang iniingatan niya. Kung mayroon siyang ipapakilalaa rito na lalaki, gusto niya ay 'yung kapag siguradong-sigurado na siya sa taong iyon.

Muntikan na siyang ma-late nang araw na iyon sa trabaho niya dahil napuyat siya sa pangungulit ng anak.

When she arrived at the entrance, Reuben was also about to enter the building.

Binati niya ito ng 'good morning' at binati rin siya nito pabalik.

"Napag-isipan mo na ba?" untag nito habang sabay silang naglalakad tungong elevator.

The memory of their kiss assaulted her thoughts. Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Though it was undeniably good, that kiss put her in a pesky situation with her daughter. Hindi siya tinigilan ng anak sa kakatanong kung ito ba ang ama nito.

Nakapasok na sila sa elevator. Sila lang ang tao sa loob nang sagutin niya ang tanong nito ng isa pang tanong.

"Doesn't it turn you off that I have a child?"

Reuben pressed the button to the top floor, keeping his eyes on the elevator door after. "I like kids."

Napataas ang isang kilay niya. Pak na pak! At bet na bet!

Iyon ang nasa isip niya dahil sa sagot ng boss habang pinagmamasdan ito.

Nakapamulsa ito at maganda ang tindig. He really had an excellent bone structure and a gorgeous face fit for modeling.

Having a handsome lover is nice. Pag mayaman pa ito ay nicer. Pag mahilig pa ito sa bata is nicest!

He could be the answer to her dilemma regarding Maja's father. Kung maaari sana, gusto niyang makahanap ng lalaking tatanggap sa anak niya at ituturing ang bata bilang sarili rin nitong anak. She wanted to give her child a complete family anyway.

As if Reuben can feel her gaze, he turned to her.

"Ano ba'ng ipinag-aalangan mo, Ms, Acosta?"

Inilista niya ang mga rason na pumasok sa isip. "You're my boss. We just met a few days ago. I saw how you treated your ex."

Seducing the Billionaire [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now