FINALE: THE "BROKEN" WEDDING

195 5 0
                                    

FINALE: THE “BROKEN” WEDDING

~After 1 year~

(Liane’s POV)

Patuloy lang sa pagbuhos ang ulan. Kahit anong ingay ng pagpatak ng ulan tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. At kahit di ako tumingin sa palagid nararamdaman kong basang-basa ang mga upuan at lamesa.

Sa pagpatak ng ulan sa baso na hindi man lang nainuman kasabay nun ang paghikbi ko. Sa mga bulaklak na nakasabit sa gilid na unti-unti ng nahuhulog, sa mga dekorasyon na matagal ng pinaghandaan at sa kasal na matagal ng inaasam,

Bakit napunta lahat sa isang malaking kahihiyan?

“Liane…” tawag sa akin ni Hero pero hindi ko ito pinansin “Halika na” pilit niya akong tinayo para ipasok sa loob ng hotel.

Hindi ko na namalayang humigit dalawang oras na akong nagpapaulan sa labas.

Sa buhok kong pinaghandaan ng todo para sa araw na ‘to at sa damit na sabik na sabik akong suoting para sa okasyon na ito. Bakit napunta sa wala?

“Liane, anak we’re so sorry” lumapit sa akin ang mama ni Harry

Tulala pa rin ako hanggang ngayon

“out of discover age area, pa rin” lumapit naman sa amin yung papa nila Harry

Agad akong binalutan ng tuwalya para hindi ako lamigin.

Harry!! Bakit mo ginawa sa akin ‘to?!! Bakit?!!!

Napatakip yung palad ko sa mukha ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, hindi ko na kayang i-explain kung papaano nangyari ang bagay na ito. Hindi ko na kaya. Ayoko na….

Tumayo ako at nagmadaling lumabas. Pagtulak na pagtulak ko sa pintuan, tumakbo ako ng sobrang bilis. Kahit naka-high heels pa ako, ang gusto ko lang tumakbo at lumayo sa kanila.

Sa kakatakbo ko nadapa na ako. Hindi ako tumayo at hinayaan ko lang ang sarili kong nakahiga sa kalsada.

Harry…. Bakit???

Napayakap lang ako sa tuhod ko habang umiiyak.

Isang lingo na ang nakakaraan simula nung araw na hindi sumipot si Harry sa kasal namin. Sa isang linggong yun hindi man lang siya nagpaparamdam. Sinasabi lang sa akin ni Hero, hindi kumikibo si Harry kapag tinatanong siya kung bakit hindi siya sumipot sa kasal namin.

“Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan si Harry” bumuntong hininga lang siya “Hayaan mo na. Kakausapin ko pa rin siya”

“wag na Hero. Hayaan mo na siya” pagpipigil ko dito at halata naman sa kaniya ang pagkabigla “Alis na ako” kinuha ko na agad ang mga gamit ko at umalis na.

Iniwan ko si Hero sa loob ng restaurant na iyon. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta ng hospital. Sa hospital ako nagttrabaho dahil isa na akong psychologist.

Pag-upo ko sa clinic ko biglang naalala ko si Harry. Parati siyang magpupunta dito para lang magpa-check up kahit hindi naman siya nababaliw. Sa huli sasabihin lang niya “baliw na baliw na kasi ako sayo”

Kaya siya magpupunta dito para lang makita akong naka-uniform. Ang ganda ko daw kasi kapag eto ang suot ko.

Napapangiti na lang ako sa mga naiisip ko. “Ganito ba? Ganito ba ang pagmamahal mo?” bulong ko sa sarili ko.

Sinubukan kong kalimutan ang lahat. Sinubukan kong ibaling ang attention ko sa ibang bagay. Ginawa ko lahat ng paraan para lang makalimutan yung araw na ‘yun, makalimutan ang ginawa ni Harry. Sa gabi, hindi ako makatulog dahil siya lang ang parating nasa isip ko. Kailangan ko pang mag-take ng pills para lang makatulog ng mahimbing.

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon