Chapter 11: First day

129 5 0
                                    

Chapter 11: First day

(Lee’s POV)

Tinignan ko si Harry habang inilalapag niya yung bagahe ko sa loob ng bago kong kwarto. Inilibot ko yung mga mata ko sa paligid ng kwarto.

Plain, simple bed, Aircon, nice cabinet, good flooring.

“This will be your room” ng malapag na niya yung luggage ko walang pagdadalawang isip siyang naglakad palabas ng kwarto.

Nilagpasan lang niya ako na parang stranger.

*sigh*

“So, this is my first day living with them….with him” lumapit na ako sa luggage ko para ayusin ang mga gamit ko.

“Minsan di ko rin maintindihan yung lalaking yun. Parang kanina lang sa bahay napaka-determined niya para lang makuha ako pero ngayon parang wala lang ako” hindi ko namalayang napapahigpit na yung hawak ko sa mga damit ko.

*knock*knock*

“Huh?” nadistract ako sa pagiisip ng may pumasok sa loob ng kwarto

“Goodevening po” magandang bati sa akin ng isang katulong dito “Pinapunta po ako dito para po tulungan kayo sa pagaayos” maganda siyang ngumiti sa akin

“A-ahhh ganun ba?? Heheh” -__________- lumapit na siya sa akin para tulungan na ako “A-ah kanina ka pa ba nasa labas?” tanong ko dito

“Huh? Hindi naman po” inosente niyang tanong

*sigh* “hays” nakahinga naman ako ng malalim ng malaman ko yun

“May problema ba?” tanong niya

“ahh wala naman,” hinarang ko pa yung mga kamay ko para lang isign na WALA talaga.

Wala pang ilang minuto natapos na kaming magayos ng gamit ko “Thank you” sabi ko sa masiglahing babaeng ito.

“Wala po ‘yun!” hyper siya parati kung sumagot actually “Kung may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako!” at hyper din magsalita hindi rin nawawala yung ngiti sa mukha niya

“Paano naman kita matatawag kung di ko alam yung pangalan mo” plain kong paliwanag dito

“Hmmm..! Oo nga noh!!!” at ang tagal pa niya talagang pinagisipan yung sinabi ko

-_________________- bakit pa ako parating naiipit sa mga weirdong tao?

“Ako nga pala si Fei!”

“ahhh! Ako naman si Liane pero pwede mo akong tawaging Lee”

“Wow!!! Ang ganda ng combination natin” masigla niya yung sinabi out of the blue

“Huh? Anong combination?” pagtataka ko naman

“Ang ganda ng combi ng pangalan natin Fei Lee!! Diba? Parang pang artista lang!”

“ehh?” -_________-

Parang ayun lang tuwang-tuwa na siya at talagang malaking pagmamalaki niya sa akin ang bagay na yun. Watta house with wonderful fellas -.-

Hindi ko rin alam pero nagtagal pa dito si Fei ng ilan pang oras. At kahit na medyo bobo siya, nakakatawa naman siya. At kahit medyo tatanga-tanga siya masaya naman siyang kasama dahil nakakawala rin siya ng stress.

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon