Chapter 29: Whore

226 5 0
                                    

Chapter 29: Whore

(Liane’s POV)

Hanggang sa pagaayos ko sa sarili ko hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi sa akin ni Harry kagabi.

“Anak??” nawala ako saglit sa pagiisip ng biglang pumasok sa loob ng kwarto si mama

“po?”

“Malalate kana sa school” tinignan ko naman yung orasan at napansin ko ngang malalate na ako. Nagmadali na ako kasi baka sobrang haba na naman ng pila sa FX.

“Shocks!! Bakit ba ang haba parati ng pila dito??”  hindi na ako mapakali at patingin-tingin na ako sa watch ko.

“Liane” napalingon naman ako ng may tumawag sa pangalan ko

“Hero?” tinuro niya yung space sa harapan niya “Ah…” gusto ko sanang tanggihan kaso bigla siyang nagsalita

“Malalate kana, ma-pride ka pa rin” pagbibiro niya

Nakasakay kami ni Hero ng FX ng matiwasay. Pero hindi na tulad ng dati, iba na kasi ngayon. Parang may gap na namamagitan sa amin kahit sobrang lapit namin sa isa’t isa.

Bigla kong naalala yung panahon na una kaming nagkita ni Harry sa pila ng FX kung saan niya ako sinungitan. At si Hero yung andyan para saluhin ako.

Napamahal na kasi siya sayo

Tinignan ko si Hero habang masayang nakikinig ng music.

Sorry Hero. Sorry dahil makasarili ako. Hinayaan kong mahulog ako sa kambal mo.

“Kanina ka pa ata tahimik?” yumuko lang ako at hindi kumibo “Naalala mo pa ba yung una natin pinagusapan nung first time din tayong magusap?” tinignan ko naman siya with confusion

“Haysss!! Hindi mo na naalala? Tsk…” umiling-iling siya na parang bata. Matapos ang ilang sandali napatigil siya at naging seryoso ang itsura niya “Ang sabi mo sa akin ang tanga naman ng tao, bakit sila magpapadala sa gravity kung alam nilang wala naman sasalo sa kanila”

Hindi ako nakasagot at biglang nagflashback sa akin yung unang beses namin paguusap sa loob ng FX.

“Ngayon, alam ko na kung bakit tinatawag silang tanga” I looked at Hero, half-crying “Kasi kahit anong gawin nila hindi nila kayang pigilan mahulog”

“Liane…” magsasalita pa sana siya pero I interrupted

“Tara na, andito na tayo” una na akong lumabas ng FX. Hindi ko na siya nilingon nung makababa na ako. Agad na akong sumakay ng LRT.

Liane Sy! Bakit mo hinayaan na mahulog ka sa taong alam mong hindi ka kayang saluhin dahil puro paghihiganti lang ang nais?! Bakit?!

Para akong lantang ewan ng pumasok ako sa school. Feeling ko yung dalawang araw na nawala ako sa school ko, dalawang taon ang katumbas. Grabe lang, sobrang miss na miss ko ‘to.

Tumuloy na ako sa classroom dahil baka malate pa ako. Pagpasok ko biglang nagiba yung atmosphere. Habang naglalakad ako papuntang upuan ko, napapansin kong nagbubulungan sila.

Nakita ko naman si Clarisse na usual sit niya. Nginitian lang niya ako. Ngiting…

Hindi bitter…. Parang friendly…

Pero dahil dun bigla akong kinabahan. Nawala tuloy ako sa concertration, hindi ko namalayang tinanggal ng isa kong classmate yung upuan ko kaya naman napaupo ako sa sahig.

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon