Chapter 25: Yacht

117 6 0
                                    

Chapter 25: Yacht

(Liane’s POV)

 

Hinila ako ni Harry papasok ng kotse. Malakas yung pagkakasara niya ng pinto sa may passenger seat nung makapasok na ako, halatang may galit siyang nararamdaman.

Ipinasok niya sa likod yung binili niyang fishing rod sabay pumasok na sa loob ng driver’s seat. Tinignan ko lang siya habang nagmamaneho. Magsasalita sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko dahil baka kapag nagsalita pa ako bigla niya akong masigawan.

Hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang nangyayari sa kanilang dalawang mag-kambal.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinititigan ko si Harry. Bakit ba kasi ang hirap i-approach ni Harry? Sa tuwing gusto kong magtanong sa kaniya feeling ko kakainin niya ako. Kapag si Hero naman ang kasama ko hindi ko naiisip na magtanong sa kaniya.

Hindi kami nagusap ni Harry buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa pupuntahan namin.

“Waaahh!!! The weather here is so nice as ever” sabi ng mama nila Harry nung nakalabas na siya ng kotse nila

“wooow” hindi ko naman naalis yung paningin ko sa malaki at fresh na lake na nasa harapan ko ngayon. Meron pa ditong malaking bridge na walang harang. Ang style talaga nito ay pang-fish time talaga.

Lumingon-lingon naman ako at nakita kong may isang malaking bahay. Isang American style house “wooww!”

 

Lumapit pa ako sa malaking see-saw na nandun sa gilid ng pintuan ng bahay. Habang sila busy’ng-busy mag-ayos ng gamit, ako naman busy’ng-busy mag-inspect.

“We call this garden house” bulong sa akin ni Hero na ngayon nasa likod ko. Bigla naman akong napalingon sa kaniya dahil bigla-bigla siyang sumusulpot

“Kaya nga, mukha siyang garden” actually puro puno at flowers dito “Kayo ba may-ari nito?” tanong ko kay Hero. Naglalakad kami ngayon sa may bridge na nauna kong napansin

“Oo. Binili ‘to ng daddy ko regalo niya sa mommy ko nung first anniversary nila” paliwanag ni Hero

Natigil ako sa pagdawdaw ng kamay sa may lake ng marinig ko yung paliwanag niya “Wow!! Ang yaman talaga ng pamilya nito! Elibs naman ako !”

Tinanggal ni Hero yung sapatos niya at medyas. Tinaas niya ng kunti yung pantalon niya kaya naman nagtaka ako “Anong ginagawa mo?”

“Ilulublob yung paa sa may lake, ang tagal ko na rin kasing di nakakapunta dito” nung nalublob na niya yung paa niya ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko “tara try mo! Dali” nasasanigan ng araw yung mukha niya kaya naman akala mo nagbbeautiful eyes siya habang nakangiti.

“Sige” tinanggal ko yung sandals ko. Hindi ko na kailangan iangat yung palda ko dahil below the knee naman ito “Aaannnnggg lamiiiiggg!!!” napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Hero dahil sa sobrang lamig.

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon