Chapter 27: Woodbury show

284 5 0
                                    

Chapter 27: Woodbury show

(Liane’s POV)

Pinatunog ko yung mga daliri sa kamay ko “Totoo na talaga ‘to” kinuha ko yung baril. Ipinikit ko yung isa kong mata pagtapos dinilaan ko pa yung labi ko habang inaasinta yung alien na dapat kong tamaan.

Naramdaman ko naman na tumulo na yung pawis sa may noo ko pero hindi ko pa rin napupull yung trigger “Matatamaan na talaga kita, this time” bulong ko sa sarili ko

Inabangan ko yung alien na malikot sa may gitna para barilin ito

1, 2, 3, GO!

*POK*

>___________<

“ASAAR!!!!” naiinis kong inilapag yung baril “Nakakainis kanina pa ako dito pero hindi ko pa rin matamaan yan! Buwisit talaga!!! Kuya, isa pa ulit!!!” sigaw ko sa kuya at natatakot niya akong binigyan ng pellet para ilagay sa baril

“Tama na ‘yan!!” pinigilan naman ako ni Harry

“AYOKO!!!” Pumiglas naman ako sa kaniya

“Ano ka ba naman,” pinigilan niyang sumigaw dahil andami ng nakatingin sa amin “pang-labing lima mo ng ulit dyan pero ni isang alien wala ka pang napapatumba”

“Bakit ba?!! Hindi ako titigil hangga’t di ko yan napapatumba” inilagay ko na yung pellet sa loob ng baril

“Tama na, please??? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito” bulong sa akin ni Harry pero hindi ko siya pinansin.

Hinanda ko ulit yung sarili ko at inasinta yung baril para masapul yung alien “Tumigil ka na dyan, hindi ka ba nahihiya? Ang dami ng nakapila. Kanina pa sila dito hindi mo ba nararamdaman? Naiinis na sila sayo”

*POK*

“AAAAAAAAAAAASAAAAAAAAAAAARR!!! Ayan tuloy hindi ko natamaan ang daldal mo kasi eh” pagrereklamo ko kay Harry

“TSk!!!! Akin na nga yan” pilit niyang kinuha yung baril sa akin “Kuya, isang balot ng pellet nga dyan” binigyan niya ng isang daan si kuya at binigyan naman siya ng kadami-daming pellet

“Anong gagawin mo?”

Hindi niya ako nilingon dahil busy siyang pinapasok yung pellet sa loob ng pellet gun “Tsk! Manahimik ka na lang”

Natapos siya sa paglalagay ng bala at parang baliw niyang pinagbababaril yung aliens. Hindi niya inaasinta basta baril lang siya ng baril. Kapag naubos na yung bala maglalagay lang ulit siya pagtapos baril lang ulit ng baril.

Lagay.

Baril lang ulit ng baril.

Lagay.

Baril lang ulit ng baril.

Hanggang sa “WOOOWWWWW!!!! Natamaan mo!! Ang galing!!!!” nagtatatalon-talon naman ako sa saya dahil sa wakas makukuha ko na yung stuff toy na siopao.

Isang napaka-laking siopao na stuff toy

“Ano bang gusto mo dyan?” naiiritang tanong ni Harry sa akin

“Ayun!” tinuro ko yung malaking stuff toy na siopao

“HUH?!! Nakailang ulit ka sa pamamaril para lang sa stuff toy na yan?” napa-poker face naman si Harry. Tinignan ko lang siya at ngumiti sabay tango

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon