Chapter 3: Despicable Weird Guy

232 6 0
                                    

Despicable Weird Guy :')

-------------->

Chapter 3: Despicable Weird Guy

(Lee’s POV)

“T-thank you” nagbblush naman ako habang nagtthank you kay Hero KO :’>

“Wala yun ikaw pa” at parang aso na naman ako nung guluhin niya yung buhok ko

Actually andito kami ngayon sa may quadrangle naglalakad na kami pabalik sa club building, natapos na rin kasi yung pagdadala namin sa head office ng sandamukal na papers and documents.

At eto ako ngayon tuliro di mapalagay dahil ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko, yung tipong kulang na lang lumabas na siya sa dibdib ko.

Nang makarating na kami ng club building nag-part ways na kami ni Hero ko dahil kailangan na niyang bumalik sa club house nila. Ako naman nagbbye na rin sa kaniya at tumuloy sa may restroom at doon nagtititili na parang tanga.

“WAAAAAHH!!!! AYIIEEEEE!!!” yung kilig at ngiti sa mukha ko ay hindi maialis ng basta basta “HHMMMM!!!!! MEGOWD!!!” hinawakan ko pa yung dibdib ko atsaka naggiggle dahil sa kilig.

Syempre bago pa man ako maabutan ng kung sino dito at isiping baliw na ako mas minabuti ko ng putulin muna yung kilig ko at sa bahay na lang ipagpatuloy.

Lumabas na ako ng restroom at naglakad papunta sa club house namin. Syempre eto ako ngayon, parang wala sa sarili. Tulala lang habang naglalakad dahil inaalala ko yung nangyari. At syempre kahit ako lang magisa naglalakad at walang kasama natawa pa rin ako dahil sa kilig.

Eto na ba ang love?? :’)

Ang bilis naman ata ng tama sa akin at di talaga ako makapaniwalang LOVE to. Ano yun AGAD-AGAD??? Siguro INFATUATION lang ito. Pero binibigyan pa rin ako ni Hero KO ng sobra-sobrang kilig kaya naman ang saya-saya ko.

Sarap palang kiligin :’>

*BOOOGSHHHHHHHHH*

At dahil sa lutang ang isip ko kakaisip kay Hero di ko na namalayang may nakabanggaan akong lalaki. Dahilan naman iyon para matumba ako. “A-aray” napahipo lang ako sa pwet ko dahil masakit matumba lalo na yung pwet lang ang nakasalo sa akin.

Napatingin naman ako sa nakabangga ko kasi para lang siyang timang na nakatunganga sa akin, di nga niya ako tinutulungan para makatayo.

“Di mo lang ba ako tutulungan ?” at kung di ko pa iyon itanong di pa niya iaabot yung kamay niya sa akin, inabot ko naman yung kamay niya para makatayo na “Thank you ha” sarcastic kong sabi nung makatayo na ako.

Pinagpag ko naman yung damit ko at inayos pa ito. Tapos tsaka ko lang napansin yung lalaking nakabunggo sa akin ay hindi man lang nagsasabi ng sorry. Hinarap ko naman si Kuyang walang modo “Sor--!” sasabihan ko sana siya ng sarkastikong sorry kaso nung makita ko yung mukha niya tsaka ko naalala siya yung kuyang masungit sa pila ng FX.

“IKAW?!!!” sabay turo ko sa kaniya

“….”

-____________-

Wala man lang syang reaction, napasigaw ako ng IKAW tapos sabay turo sa kaniya pagtapos wala man lang syang reaction ni hindi man lang niya natanong na “oh?” “Bakit?” “ano naman?” “so?”

Despicable man -.-

Nabalewala lang yung pagturo ko sa kaniya dahil para lang akong hangin na nilagpasan niya -.-

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon