Chapter 19: Let me go

115 5 0
                                    

Chapter 19: Let me go

(Liane’s POV)/(Lee’s POV)

“Anong ginagawa mo dito?”

“Ako dapat ang nagtatanong sayo kung saan ka ng galing at kung bakit ngayon ka lang”

Hindi ko siya sinagot. Naglakad lang ako papasok at inilapag ang bag sa may kama “Lumabas kana, pagod ako gusto kong magpahinga”

“Anong karapatan mo para paalisin ako? Sa akin ‘tong bahay na ito at hindi sayo”

“Ok, edi ako ang aalis” lalabas na sana ako ng kwarto pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at itinulak sa may pintuan kaya naman napasandal ako dito

“Tinatanong kita, saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Sinong kasama mo? Anong ginawa niyo?” hindi ko siya sinagot “Bakit di ka makasagot? Huh? Masaya bang kasama si Hero? Mas masarap ba sa tabi niya kaya ba pagod na pagod ka?”

Tinitigan ko siya ng masama. Pilit kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko at tinulak siya palayo sa akin “Bago mo ako pagisipan ng masama sana naman may proofs ka”

“Kaya nga tinatanong kita pero hindi ka sumasagot!”

“Bakit ako sasagot? Kung ikaw nga hindi mo sinasabi sa akin yung pinagusapan niyo kanina ni Clarisse”

Tinignan ko siya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya “Geez. Oh tignan mo? Sasabihin ko pa lang ang pangalang Clarisse ganyan na agad ang reaction mo”

“Paano mo nakilala si Clarisse?”

“Malamang blockmate ko sya”

“May sinabi ba sayo si Hero tungkol kay Clarisse?”

“Wala, ano naman sasabihin niya? Bakit may kailangan ba akong malaman? May tinatago ka ba sa akin? Sa bagay, sino ba naman ako para pagsabihan mo ng mga secrets mo? Di naman tayo close. Isa pa, kundi nangyari ‘tong trahedyang ‘to edi sana kayo pa ni Clarisse. Diba siya naman talaga ang mahal mo? Sya naman talaga ang gusto mo. Parang ako pa tuloy ang kontrabida sa relation nyo”

Napatigil ako sa pagsasalita, iniwas ako ang tingin ko sa kanya dahil unti-unti kong narealize ang mga sinabi ko kanina. Napatakip ako ng bibig, aalis na sana ako para iwasan siya kaso bigla niya akong pinigilan

“So, may sinabi nga sayo si Hero?”

“Wala siyang sinabi! Pwede ba bitiwan mo ako!”

“Kung wala, paano mo nalaman yun?”

“Narinig ko lang habang naguusap kayo ni Hero sa club house niyo!! Bitiwan mo ko!!” hindi ako makaalis. PATAY! >___<

“Matagal na kaming wala ni Clarisse. Nagusap lang kami kanina dahil gusto niya akong kamustahin. Walang kaming ginawang masama. Nagusap lang kami bilang kaibigan, kaya pwede ba? Wag kang parang bata dyan na ngawa ng ngawa”

“o-kay” napatingin lang ako sa kaniya, huminto na rin ako sa pagalaw. Lumapit naman siya sa akin ng sobrang lapit. Lumapit siya ng sobrang lapit na lapit sa mukha ko.

Hinawakan niya yung chin ko at inangat ang mukha ko para magtagpo ang mga mata namin . Lumapit ulit siya ng sobrang lapit “Ngayon, ako naman ang sagutin mo. Saan kayo nagpunta ni Hero ? Anong ginawa niyo at bakit ngayon lang kayo?”

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon