Chapter 10: Marry your daughter

221 5 1
                                    

Dedicated to talaga kay Minji. Parang kelan lang nung nagaalala ako sa kaniya dahil nga sa mga nababalitang TYPHOONS at kung ano-ano pang disaster. Hindi ko naman alam ang WATTPAD at FB acc. niya dahil lahat yun in-activate niya. Sis!! I miss you so much!! *cries* Nagaalala ako sayo! hindi ko alam saan ka cocontact-in wala na yung contat no. mo sakin. PiNM na kita pwedeng pakisagot! hahah!! hoy!! Na-miss talaga kita *cries* 

Chapter 10: Marry your daughter

(Lee POV)

Parang tumigil ang mundo ng sabihin niya yun. At kung tutuusin parang nageecho pa yun sa sarili kong imahinasyon.

“Liane is pregnant and I am the dad”

“Liane is pregnant and I am the dad”

“Liane is pregnant and I am the dad”

“Liane is pregnant and I am the dad”

*GULP*

Nawala ako sa concentration ng sabihin talaga iyon ni Harry ng walang pagdadalawang-isip. Napatigil ako sa pagkakatulala at masuri kong tinignan ang mga reaction nila isa-isa.

Una kong tinignan si Harry na NO REACTION AT ALL. Sumunod ang nanay niya na hanggang ngayon tulala lang sa kaniya at parang nagsasabi ng IS-THAT-TRUE-LOOK. Pangalawa ang tatay nila Harry na napatigil sa paglalaro ng Candy Crush at ngayon seryosong napatingin sa anak na si Harry.

Nilingon ko naman si Hero na nasa tabi ko, paglingon ko nakita kong nakatingin siya ng seryoso kay Harry. Yung tipong seryoso pero nakakunot yung noo. Feeling ko nagagalit siya kay Harry dahil sa ginawa nitong pagamin sa mga pamilya namin.

Tinignan ko naman si Mommy at laking gulat ko ng makita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin na parang umiiyak sa lungkot at nagtataka sa mga nangyayari.

Walang umiimik sa amin, at tanging yung katahimikan lang ang bumabasag ng ingay.

Maya-maya rin nagsimula ng magsalita ang nanay ko at yung tono ng boses niya yung tipong nanginginig-nginig pa “Lee, tell me the truth” maiyak-iyak na sabi sa akin ng nanay ko

Hindi ako nagsalita

Yumuko lang at iniwasan ang mga tingin ng nanay ko

Napahigpit yung hawak ko sa dulo ng shorts ko habang napapapikit ang mga mata ko dahil sa inis sa sarili ko.

Bakit di ako makapagsalita??

Bakit ako kinakabahan?

Feeling ko lahat sila nakatingin sa akin at iniintay akong magsalita pero ayoko! Ayokong sabihin sa kanila na nabuntis ako ng taong hindi ko naman boyfriend! Ayokong sabihin na nabuntis ako dahil sa pagiging substitute sa ex ni Harry! At ayokong sabihin na nabuntis ako ng taong di naman ako mahal!

Ayokong magsalita dahil kapag sinabi ko sa kanila yun magiging mababang babae na ang tingin nila sa akin!!

Ayoko!!

Naiinis ako kay Harry!!

Naiinis ako sa kanila!!

Naiinis ako sa kaniya !! Bakit kailangan niya itong sabihin!! Bakit ?!!

Sa sobrang inis na nararamdaman ko tanging pagiyak na lang ang nagawa ko “Mommy…” naiiyak kong sabi sa nanay ko habang nakayuko

“Mommy, I’m sorry I’m so sorry!! Mommyy” hindi ko na mapigilan ang sarili sa pagiyak at pagsosorry sa nanay ko

“Liane..” at kahit di ako nakatingin sa nanay ko narinig ko yung naaawang boses niya

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon