Chapter 8: PO siblings

147 5 0
                                    

Chapter 8: PO siblings

(Lee’s POV)

Alam mo yung tipong gusto mo ng makalayo sa kambal na sina Harry at Hero dahil sa banas mo sa kanila. Yung tipong determined ka ng kalimutan sila dahil sa inis mo sa kanila. Dumating pa sa point na sinusumpa mo sila. Pagtapos nagpakita naman sayo yung bunso nilang kapatid na cute at hindi mo magawang magalit.

Ngayon mapapatanong ka talaga sa sarili mo kung ano bang meron sayo at sa mga PO siblings para maging ganito ka ka-connected sa kanila. Kasi kung tutuusin sa dami ng bata dito bakit ito pa nakausap ko?!!

“WAAAAAAHHH!!! Mababaliw na ko!!” wala naman magawa si Stephen kundi tignan na lang ako na nababaliw habang nakaupo sa may swing

Napasabunot pa ako sa buhok dahil sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ganito na ba ako kamalas?!! FVCK!!

>____________________________<

Lumalayo na nga ako sa kanila! Kung pupwede nga lang hindi ko na sila makita at mawalan na ako ng connection sa kanila pagtapos ano ‘to!?!! Ano ‘tong nasa harapan ko ngayon?!! Isang inosenteng bata na kapatid ng kambal na kinamumuhian ko!!

Para akong nalugi nung tignan ko si Stephen “Oh ano? Wala ka bang balak saktan ako?!” kahit na alam kong wala naman siyang alam sa mga sinasabi ko di ko pa rin mapigilan ang sarili ko dahil sa nireresemble niya sa akin yung mukha ng mga kuya niyang gago.

“Ano bang nagawa ko sayo? Bakit galit na galit ka?” naawa naman ako sa mukha nung bata kaya naman napairap na lang ako

*sigh*

Wala nga naman siyang alam, isa lang siyang inosenteng bata

Napayuko na lang ako dahil sa sobrang badtrip. Maya-maya rin may narinig akong boses ng batang babae “STEPHEN!!!” sigaw nito pero hindi ko siya hinarap dahil mas gusto ko pang yumuko

Naramdaman ko naman lumingon si Stephen sa kaniya “S-Stella?!! A-anong ginagawa mo dito?!!” nahalata ko ang pagtremble ng boses ni Stephen.

Si Stella ang kambal niyang babae -________________-

Lumapit naman sa amin si Stella at biglang pinikot ang kambal niya “ARAAAYYYYY!” walang magawa si Stephen kundi umaray na lang

Nakita ko naman ang itsura ni Stella, medyo hindi sila hawig pero kung tititigan ng matagal si Stella medyo may hawig siya kay Stephen. At aaminin kong ang cute niyang bata.

“Sabi ng teacher mo nag-cut ka daw ng class! Gusto mo sumbong kita kay Mommy?!!!” galit na galit niyang pinagsabihan ang kambal

“ahahaha” hindi ko naman napigilan ang pagtawa dahil sa ang cute nilang tignan magkambal. Napatingin naman sa akin si Stella na may pagtataka

“Ah miss, may ginawa na naman bang kalokohan ‘tong kambal ko?” nagtanong naman ito

“wala naman” natatawa kong sagot

“Stella naman, bigay respeto sa mas matanda ako sayo! At saka para naman ako ang bunsong kapatid mo na parating kalokohan na lang ang alam” nag-pout naman si Stephen at nakita kong medyo nagbblush siya siguro nahiya siya sa sinabi ni Stella.

“Mas matanda sa akin ng ilang minuto? Ganun ba? Hoy kambal tayo!”

Wala silang tigil na nagsabunan magkambal, at ako dito natatawa lang sa kanilang dalawa dahil ang cute nilang tignan. Bihira lang ako makakita ng kambal na ganito ang closeness. At isa pa si Stella man ang huling lumabas sa tiyan ng mama niya pero mas mature pa rin itong magisip kesa sa kambal niya. At kung titignan parang bunsong kapatid niya si Stephen.

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon