Chapter 13: Locked with you

144 5 0
                                    

Chapter 13: Locked with you

(Lee’s POV)

Naramdaman ko yung pagkakahawak niya sa bewang ko pati sa likod ko.

Nararamdaman ko rin yung paghinga niya.

Ilang segundo pa kaming ganun pero ng makaramdaman na ako ng mga taong padating bigla na akong kumawala sa kaniya.

“A-ahh.. T-thank you” ayun na lang ang sabi ko at nagmadali na akong bumaba para ayusin yung gamit. Hindi ko na inayos yung gamit basta pasok na lang ako ng pasok sa box.

Maya-maya rin naramdaman kong tinulungan ako ni Hero kaya naman mas minadali ko pa yung pagaayos.

“T-thank you ulit!” nagmadali na akong maglakad papuntang stock room habang dala-dala yung tatlong box.

Kaso dahil sa pagmamadali may nabangga na naman akong tao at ayun ang naging dahilan ng pagbagsak ko at ng mga boxes ulit.

“Liane!!” narinig ko naman sumigaw si Hero

“A-arayy…” sabi ko na lang habang hinahaplos yung pwetan ko. Lumapit naman sa akin si Hero para alalayan ako sa pagtayo “T-thank you” ayun na lang ulit yung nasabi ko

Pupulutin ko na sana ulit yung mga boxes pero napatigil ako ng makita kong si Harry pala yung nakabangga ko.

*GULP*

“S-sorry” hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil natatakot ako sa kaniya. Umupo na lang ulit ako at nagmadaling ayusin yung gamit para ipasok sa boxes. Tinulungan naman ako ni Hero at yung kambal niya. Ayun iniwan lang kami dito na akala mo walang nangyari.

*sigh*

Tinulungan na lang din ako ni Hero na ipasok sa loob ng stock room ‘tong mga boxes.

Paalis na sana ako nung matapos namin ipasok yung mga boxes pero bigla akong pinigilan ni Hero. Hinawakan niya yung braso ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin para i-confront ako “Bakit ikaw ang nagdadala ng mga yan?” pagtatanong niya

“Wala ka bang kasama?” sincere na tanong niya

“May emergency kasi kaya nauna na siyang umalis” pagpapaliwanag ko dito

“Pwede mo naman akong tawagan o itext para may makasama ka alam mo naman yung situation mo diba? Sana man lang nagsasabi ka sakin” naglocked ang mga mata ko sa mga mata niya nung sabihin niya yun

At dahil sa sinabi niya wala akong masabi kundi “g-ganun ba??”  at dahil napaka-awkward ng situation namin kaya naman naglakad na ako papuntang pintuan para lumabas.

“HALA!!!” pinilit kong buksan yung pintuan pero di ko mabuksan “tokwa!!!” habang pilit kong binubuksan yung pintuan naalala ko yung chant-chant na iyon

OMG! Totoo ba yun ?! o nagkataon lang ‘to??!

“Bakit anong nangyari ?” pinatabi ako ni Hero at chineck niya yung pintuan “Mukhang na-lock-an ata tayo. Siguro akala nila wala ng tao dito” pagpapaliwanag nila

“Huh?!! Hindi pwede yun!” nababanas kong pagrereklamo “Hala… ano ng gagawin natin ngayon??” worry kong tanong

“Magintay hanggang meron magbukas ng pinto mula sa labas” cool na cool na sabi ni Hero

“Sa tingin mo mga anong oras pa tayo pagbubuksan?” pagtatanong ko

He's My Hero (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon