Gitara-Part 15 [EPILOGUE]

6.6K 144 6
                                    

A/N: nagkaroon po ng Konting di pagkaunawaan! SANA PO MAINTINDIHAN NIYO!

 YES, ITO NA PO ANG EPILOGUE.

 BOOK 2? inuumpisahan ko na po =)))

Check the EXTERNAL LINK para sa Book.2 

SALAMAT PO SA MAKAKAINTINDI at PATULOY NA NAGBABASA . Love you guys!

--

 MATTHEW's Point Of View.

Panibagong araw.. Panibagong simula..

Nakamasid lang ako sa Apartment niya, Nang makita ko siyang lumabas ay Agad akong lumapit sa kanya.. Inakbayan ko siya ng nakangiti..

"Good Morning Best Friend!" masayang bati ko sa kanya, nakita ko ang pagkagulat sa mata niya..

"Morning din"sabi niya sabay iwas ng tingin, nakita ko ang Pamumula ng Pisngi niya, napangiti na naman ako. Siya talaga ang Bumubuo ng Araw ko..

 Nang makarating kami sa School ay pinagtitinginan kami. Wala ng Bago dun dahil kilala kami sa School na 'to hindi bilang Couples or Lovers, Kilala kami dahil mag Best Friend kami. Ang dami nga nanghihinayang, bakit daw Hindi nalang namin totohanin gayong bagay naman daw kami. Yan din ang tanong ko sa sarili ko, Bakit nga ba hindi nalang namin totohanin?Pero sa Tuwing maaalala ko yung pinagsamahan namin sa Loob ng Limang taon, Napapaatras ako, natatakot ako na mawala nalang ang lahat ng yun.

"Hatid na kita sa Room mo." bulong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot

 Nang makarating kami sa Tapat ng Room niya ay Humarap siya sa'kin

"Sunduin kita mamayang Break time ha? Sabay tayong kakain. Ok?" sabi ko.., muli, tumango siya bilang sagot. Muli kong inilagay ang Palad ko sa Ulo nya atsaka marahang ginulo ang buhok niya. Nag-umpisa na 'kong maglakad paalis. napabuntong Hininga ako. Hanggang dito nalang ba kami?

 Nang tumunog ang Bell, hudyat ng Pagtatapos ng dalawang klase ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Pumunta ako sa Room ni Crystal at naabutan ko siyang nag-aayos ng Gamit niya

 "Best Friend!" tawag ko sa kanya, nag wait naman siya. maya-maya, lumabas na din siya

"Sorry Best, Natagalan" saad niya, napangiti ako

"Ayos lang, tara?" Umoo siya, dumiretso kami sa Cafeteria at Naupo kami sa Mga kaTeam ko

 "Hello Crystal!" saba-sabay nilang pagbati kay Crystal, Tumayo na 'ko at umorder ng pagkain. Tulad ng Dati. Lasagna at Mountaindew padin ang Inorder ko. Eto kasi ang Paborito niya. Nang makaorder ako ay bumalik na 'ko

Nag-umpisa kaming kumain, at nang matapos ay Inihatid ko ulit siya, pansin ko lang na kanina pa siya palinga-linga sa'kin. Ng makarating kami sa Room niya ay nagsalita ako

"BestFriend.." panimula ko,Medyo kinamot ko pa ang batok ko "May ipapakilala ako sa'yo mamaya" pagpapatuloy ko, nakita ko naman ang Pagbabago ng Ekspresyon ng Mukha niya.. Yeah, Panibagong Babae... Panibagong babae na gagamitin ko para medyo maiwasan ko ang Nararamdaman ko sayo. Masama na kung masama pero yun lang ang alam kong paraan para hindi lumala ang nararamdaman ko..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now