Gitara-Part 14

3.8K 100 0
                                    

--

 Natapos ang Isang LingGong pagpapahinga para sa Mga Estudyante..

Inaayos ko na ang Sarili ko Para makapasok sa School.

Yung Nangyari? Wala na... Kinakalimutan ko na. Yun siguro talaga ang Nakatadhana saakin, Tsaka Nakapag desisyon na 'ko. Yun naman ang Gusto niya eh..

 Bago ako umalis, kinuha ko muna ang gitara. dadalhin ko sa School.

Nag-umpisa na 'kong maglakad.. Naalala ko Ang pag-uusap namin..

****

 "Oh.. Tignan mo nga naman, Sasama kanaba?" Bungad na tanong niya sa'kin

"Hindi mo ba muna ako pauupuin?" malamig na tanong ko. Tumawa naman siya. Tsk

"Umupo ka." saad niya. Inisnaban ko siya. "Nakapag desisyon ka na ba?" tanong niya

"Nagmamadali ka ba? Pwede pahingi muna ng juice?" sarkastikong sabi ko..

"Tsk.Tsk." Pailing-iling pa siya nung nag-utos sa Maid na kumuha ng Juice. Ininom ko muna ito bago siya tinignan

"Bigyan mo 'ko ng Isang lingo para maayos ang lahat." saad ko.

"Ano ang aayusin mo? sa School ba? Ako na ang magpapaayos."

"Hindi. may dapat lang akong kausapin, Tapos. Sa sabado. Umalis na tayo. Sasama na ko sayo..Daddy." sabi ko tapos tumayo na.. Tumayo din siya.

"Mabuti naman. Oh siya, Ayusin mo na ang dapat ayusin." saad niya, inisnaban ko lang siya .. Tsk.

****

 Nandito na pala ko sa University.. Pumasok na 'ko sa Gate..

 Kakaiba ang tingin sa'kin ng Mga estudyante.. Ano namang pakealam ko?

 Nag deretso ako sa Room, Umupo ako at hindi pinansin ang Pag tawag ni Lyka.

 Dumating ang Guro.. Tinawag niya ko..

"Crystal.." tawag niya, napatingin saakin ang Lahat. Pero sa Guro lang ang Paningin ko "Nag Drop kana? Bakit?" tanong niya.. Agad nag bulungan ang mga kaklase ko.

"Isasama na 'ko ng Daddy ko." Maikling saad ko. Napatangu-tango naman siya.

 Tsk. Kaylangan niya paba alamain yun?

 Natapos ang Klase.. Break time na. Nagderetso ako sa Cafeteria.. Madami ng Kumakain dun pagdating ko. Nakita ko si Matthew at mga kabarkada niya. Napatigil sila sa Pagkain. Nakita ko naman si Lyka at Zeus sa Di kalayuan. Nagtuloy ako sa Paglalakad at umorder ng Pagkain.. Sa dulo ako Pupwesto. Naglakad na 'ko pero may Pumatid sa paa ko kaya nadapa ako -___- Tanging ang Grupo lang ni krissa ang Nagtawanan, kasama si Sheena. Tumayo ako at ganun din sila..

"Bagay lang sayo yan. Bitch!" saad ni Sheena. Nagtawanan na naman sila, Pero natigilan sila ng Ngitian ko sila, Dinampot ko ang Softdrinks ng Nasa likod ko at sinaboy sa kanila.

"Oh My God!" sigaw nila, di pa tapos yan.. Pinulot ko ang lasagna na natapon sa sahig at pinahid sa Mukha ni krissa At Sheena.

"What The hell!!!" sigaw nila, Muli akong Ngumiti. 

"Ayan, Mas Bagay sa inyo." Malamig na sabi ko.. Susugod na sana sila ng Damputin ko ang Bote at basagin sa Harap nila, Natigilan sila. Tsk, Sawa na 'kong maging Mabait, sawa na 'kong magpa-api. Unti-unti akong lumapit sa kanila..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now