Gitara-Part 5

3.8K 107 2
                                    

--

 Umaga na naman, at nandito ako sa School garden. Inaantay ko si Zeus at Lyka.

 Nakaupo lang ako at nilalanghap ang Sariwang hangin, ng maramdaman kong may Tumabi sa'kin. Napadilat ako.

"Ang aga mo ata?" tanong niya.. Iniwas ko ang tingin ko.

"May Practice kami, para sa Darating na School Festival." sagot ko.

"Ahh, kakanta ka?" muling tanong niya.. Tumingala ako..

"Hmm, kakanta kami." sagot ko. Hindi na ulit siya nagsalita. Di ko alam, pero parang ayoko siyang kausapin. Nagtatampo ba ako o naiinis? o baka nagagalit? haayss.. matagal bago ulit siya nagsalita..

"Crystal.." hindi ako sumagot at inantay kong magsalita siya ulit. "Bestfriend, Sorry kahapon. nawala sa isip ko na sabay nga pala tay--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita ako

"Ok lang. Naiintindihan ko." sagot ko.

"BestFriend, sorry talaga." pag-ulit niya. Huminga ako ng malalim

"Best, May bago ka bang nililigawan?" tanong ko na ipinagtaka niya.

"Nililigawan? at sino naman nagsabi niyan sayo?" pagbalik tanong niya. Umiwas ako ng tingin

"Nasabi kasi sa'kin ng mga kabarkada mo kahapon na, May hinatid ka daw na babae." sagot ko.. parang nag-isip naman siya.

"Hinatid? Ah! Yung babaeng natamaan ko ng Bola kahapon habang nagpa-practice kami, Napalakas ata yung pagtama ng bola sa kanya kaya kinaylangan ko siyang ihatid. Nakakahiya naman kasi." sagot niya. Napahinga ako ng maluwag.

"Akala ko kasi meron kana ulit bago." sagot ko.. Nakita ko naman ang pag ngiti niya. Tapos bigla niya kong inakbayan at ginulo ang buhok ko

"Selos ang Best Friend ko... Don't worry, kahit may GF ako or nililigawan, ikaw padin ang Number 1 sa puso ko." nakangiti niyang saad. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Talaga?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya .

"Oo naman noh! Except kay Mommy, ikaw ang number one! Ang laki nga ng puwang ng Puso ko, para sayo eh.." Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.. Parang Nagulat din siya sa nasabi niya at napaiwas din siya ng tingin..

"M-matthew.." tawag ko sa kanya. Tumayo naman siya.

"Mauna na 'ko Bestfriend ha? May Practice pa kami.. Galingan mo pagpa-practice ng Kanta, Manonood ako sayo." nakangiting sabi niya. Hindi na ko nakapagsalita kasi umalis na siya. Anong ibig niyang sabihin? Malaki ang Puwang ko sa Puso niya? Space? ganun? di ko gets.. Napabuntong hininga nalang ako..

 Sabay dating naman ni Lyka at Zeus

 Prinactice lang namin kung paano tamang kantahin yung kantang Pinili ni Lyka. Medyo mahirap siya, hindi dahil sa Taas o Baba ng kanta, kundi dahil, masyadong Malalim ang Lyrics -__- Di talaga 'to bagay sa'min ni Zeus.

Nang matapos kami magpractice ay Pumunta na kami sa Room namin ni Lyka, Ganun din si Zeus.

Buong maghapon ay walang pumapasok sa Isip ko,kundi yung sinabi lang ni Matthew kanina.

Gusto niya din kaya ako? Inlove din ba siya sa'kin? Kung ganun, bakit hindi siya Umaamin? Haayys.. ang gulo-gulo.

Natapos ang buong maghapon na yun lang ang iniisip ko.. Nakauwi na ko't lahat yun padin ang iniisip ko..

 Napasulyap ako sa Gitara.. Napangiti ako. Eto ang Gitarang ibinigay saakin ni Matthew ng sa Wakas ay Matuto na ako.. Siya ang nagturo saakin gumamit ng Gitara. At dahil Marunong na 'ko at madali daw akong natuto, ay ito ang Kapalit. Niregaluhan niya ko ng Gitara.

 Dati ay sabay pa kaming tumutugtog..

 Pero natigil ang pagtugtog niya ng Sumali siya sa Basketball Team. Naging Busy siya. Hindi na din kami nakakapag Jamming.

Isinabit ko ulit ang Gitara ko, sa Likod nito ay may naka engrave na C<3M, lihim kong ipinalagay yun. Hindi niya alam. Kaya Hindi ko na din gaanong dinadala sa School ang Gitara dahil malamang,hihiramin niya at Iche-check kung may gasGas o ano. At malamang, makikita niya. Kaya, Nah. Di ko na siya dinadala sa School. Mahirap na -__-

---

 A/N: Dedication? Sure! PM niyo ko kung gusto niyo! ^___^ wag na mahiya. LabLab <3

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now