Gitara- Part 11

3.8K 102 0
                                    

--

 Nagising ako sa Pagtama ng Sinag ng Araw sa mukha ko.. Hinarang ko ang kamay ko sa mata ko atsaka bumangon. Binuksan ko ang Bintana at napakataas na ng araw.

 Bumaba ako sa hagdan na dala ang Damit ko. Maliligo na 'ko.

 Nang matapos ako maligo, magbihis at magtoothbrush. Umakyat ako at Nagsuklay.

Napatigil naman ako ng May kumatok sa Pinto mula sa ibaba.. Sino naman kaya yun? malamang si Zeus. Bumaba na 'ko at pinagbuksan siya ng Pinto pero halos mapatalon ako ng Makita kung sino ang Dumating.

"Good Morning Best friend!" nakangiting saad niya. Ngayon nalang siya ulit Pumunta dito

"Pasok ka." saad ko at niluwangan ang pagkakabukas ng Pinto.

"Alam ko hindi ka pa nag-aalmusal. Kaya dinalhan kita ng Lasagna at Hot Choco." nakangiti niyang saad habang inilalapag sa mesa ang dala niya. Tumabi ako sa kanya.

"Salamat." saad ko at inumpisahang lantakan ang Dala niya

"Ikaw? Nag-almusal kanaba?" tanong ko.

"Oo." maikling sagot niya.

"Si Sheena, bakit hindi mo kasama?" muling tanong ko.

"Ah, mamaya pa daw siyang gabi pupunta sa School. Manonood ata ng Banda. Diba ikaw ang kakanta dun?" tanong niya, tumango-tango naman ako.

"Hmm. Kami ni Zeus." saad ko. Tumango naman siya.

"Galingan mo ha?" sabi niya.. Umoo nalang ako. Nang matapos akong kumain ay napagpasyahan naming Pumunta na sa School.. Katulad ng Dati ay muli niya akong inakbayan habang naglalakad. Nakarating kami sa Campus na nakaakbay padin siya sakin.

"B-best. Baka kung ano ang isipin nila." saad ko. Baka kasi makarating kay Sheena na Nilalandi ko BF niya -__-

"Ano ka ba Best! Ayos lang yan, kilala tayo dito bilang mag Bestfriend!" saad niya. tsk. Naglibot-libot lang kami sa Bawat Booth na madaanan namin. Muli siyang bumili ng Cotton Candy tapos umupo Bench.

"Anong kakantahin niyo?" maya-maya'y tanong niya.

"Hmm. If ever you're in my Arms again." sagot ko. Napangiti naman siya. Dapat kasi kami ang kakanta nun kung di lang siya naging busy sa Basketball. "Manonood kaba?" alanganing tanong ko. Tumingin naman siya sakin at ginulo ang buhok ko

"Kaylan ba ako hindi nanuod ng Bawat Performance mo?" nakangiti niyang saad. Ngumiti din ako

"Aasahan kita ha? Dapat bago kami magsimula, makita na kita. Hehe." sabi ko. Kinurot naman niya ang Pisngi ko.

"Opo." sabi niya..

 Lumipas ang Oras.. Nagpaalam si matthew na susunduin niya si Sheena

"Hintayin kita mamaya ha? wag kang male-late." sabi ko.  hinalikan niya naman ako sa noo.

"Opo.. Ikaw pa." saad niya tapos umalis na siya.. Pumunta naman na ako sa Field kung saan gaganapin ang kantahan churva. Inaayos na ang magiging stage.

 Asan ba si Zeus at Lyka? Hindi ko pa sila nakikita mula kahapon.

 naglakad-lakad pa ako patungo sa back stage ng May tumawag sa'kin

"Crystal! Crystal! Crystaaaal~~" Pakanta-kanta pang tawag ni Lyka. Bigla naman akong nailang ng Nakasunod pala sa kanya si Zeus.. "Tadaaaahh~~" saad niya tapos pinakita sa'kin yung Pang Rockstar ata na dress ito -__- "Eto ang susootin mo mamaya." nakangiti pang dugtong niya.

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now